MYSTERY XXIV: = Game Over =

1.1K 26 0
                                    


Agad niyang naiwasan ang pagahampas nito ng matalim na samurai sa kanya. Kung mabilis ito ay mas mabilis siya dahil sa pag-iwas niya ay nagawa niyang sugatan ito sa tuhod. Sinigurado niyang mapapatumba niya ito sa pamamagitan ng sugat na iyon.

At hindi nga siya nagkamali sapagkat bigla na lamang itong natumba. Nabitawan nito ang armas.

Napangisi siya at ibinwelo sa ere ang hawak niyang samurai. Handa na siyang tapusin ang buhay na nasa kanyang harapan subalit hindi pa man din lumalanding ang kanyang armas ay may nakasalag na nito.

Kaya naman napaikot siya at nakita niyang may umekstra na sa laban nilang.dalawa ni Marcus.

"Welcome to your death, Superior Wild Target!" kalmado lang siya ng kanyang bitawan ang mga salitang iyon subalit nainsulto pa rin niya ang kanyang kaharap.

Halata ang biglang panggigigil nito na mas lalong ikinasingkit ang mga mata nito sa sobrang galit na nararamdaman. Nang umpisahan na siya nitong banatan ng mga hampas ay inasahan na niyang mas malakas pa iyon sa kanyang inaakala.

She was tripped by Marcus' hand. Nakasalampak kasi ang lalaking iyon sa sahig. She lost her equilibrium and toppled down. Muntik na naman siyang matuluyan! Mabuti na lamang at nagawa niyang humarap kaagad at agad na pinansalag ang kanyang samurai.

Hindi niya pwedeng bitawan ang kanyang armas, not even for a second because if she did, it would surely be her ending.

Nagpatuloy pa ang pagbuhos sa kanya ni Wild Target ng mga tira. Sunud-sunod ang mga paghampas nito ng sobrang lakas sa kanya. Aminado naman siyang napakalakas ng Magic Six at isa-isa niyang makakalaban ang mga iyon. May napatumba man siya, pero hindi pa iyon ang tamang pagbibilang ng kanyang mapapatumba.

Marcus might be wounded, but that was not yet enough. Kailangan talagang patay. Hindi lang sugatan. Kung maaari ay putol ang ulo o kaya sa puso niya mapapatamaan!

Magic Six were the greatest assassins that's why their every movement was very clever. Pero dahil matatanda na rin ang mga ito ay may advantage siya. At iyon na lang ang pinanghahawakan niya para matalo ang mga ito. Matitikas man ang mga ito but many parts of their body had started to fail functioning. Kaya hinahanapan niya ng kahinaan ang kanyang mga kalaban, sinusuri niya ang mga ito ng mabuti habang siya'y nakikipaglaban.

Dahil malapit na siyang makorner ay mabilis siyang nag-isip ng paraan. Bumwelo siya para makasampa sa pader. Hindi naman siya nabigo. Umikot siya at sa kanyang pag-ikot ay anim na kunai ang kanyang pinakawalan sa ere.

Sa pagbaba ng mga paa niya sa sahig. Napangisi siya.

Natigilan ang taong umaatake sa kanya. Pagharap niya rito ay bigla na lang itong bumagsak sa sahig. Natamaan niya ito sa noo. Baon na baon ang napakatalim na armas na iyon sa noo nito.

Pagharap niya kay Marcus, nakahiga na rin ito sa sahig. Natamaan ito sa batok.

Humarap siya sa mga nalalabi pa. Sa isang trono, mayroon ng bumagsak. May gilit ito sa leeg at animo'y talon ang leeg nito dahil sa sobrang dami ng dugo ang lumalabas dito. Kung matalino ang kanyang mga kalaban ay mas naging tuso naman siya. Isa-isang may itinuro ang mga ito sa kanya at lahat ng iyon ay nagamit niya. Isa rin sa mga advantage niya ang mga natutunang iyon mula sa anim. Ipinagpapasalamat niyang magagaling ang mga itong magturo.

"I'm still accepting fight." she raised her forehead tsaka nakapatong sa kanyang balikat ang kanyang samurai na para bang kampante na siya sa kanyang susunod na laban.

May bumaba sa isang trono na animo'y tumatanggap sa kanyang hamon. May dala-dala itong armas. At matatalim ang mga titig na ipinupukol nito sa kanya.

 Mystery of a TATTOOED GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon