She stood up and put her lingerie on. Opened the sliding door and went straight through the balcony. She took a deep breath the moment the wind touched her skin. She lighted up a cigarette and puffed a smoke.
Pinagmasdan niya ang buong siyudad na nagniningning sa liwanag ng mga ilaw. Such a nice and wonderful view. Gusto niyang mabuhay sa ganoon kaliwanag pero hindi niya kayang gawin---dahil ayaw niyang gawin. She always have a choice but she has to be responsible for some important things.
Kill.
Revenge.
Let the people who had done wrong to her pay.
Madungisan man ang kanyang mga kamay, wala na siyang pakialam. Kung mamamatay man siya'y kahit papano naihiganti na rin niya ang pagkamatay ng kanyang ina at bunsong kapatid. They were killed. Killed without justice until now. At alam na alam niya kung sino ang may kagagawan 'nun. Malapit sa pamilya niya. Malapit sa kanya.
Naging mabait na tao naman sila pero bakit naging ganun parin ang kinahinatnan ng kanilang magandang buhay? Kahit pa mahirap sila ay hindi kailanman sila naging palalo sa ibang tao. Marunong silang makisama.
Simula nang mangyari ang mga bagay na hindi niya inaasahan ay hindi na naging matino ang takbo ng kanyang buhay. Pinilit niyang tumayo sa kanyang sariling mga paa. Hindi na siya umasa sa mga kamag-anak niyang hindi man lamang niya nahingian ng tulong para sa maayos na pagpapalibing sa kanyang pamilya. Wala naman siyang ibang aasahan kundi ang kanyang sarili. Kung noong nabubuhay pa nga ang ina niya at kakambal ay wala naman silang nahingan ng kahit konting tulong. Kaya wala na rin talaga siyang inasahan pa.
Years ago, she was scared of all things. More especially, the things that she was not familiar with. But those fears were gone. Sapagkat may isang taong tumulong sa kanya para maging matapang at may isa pang tao na siyang pinaghuhugutan niya ng lakas.
At ang tao iyon ay kailangan pa niyang protektahan.
Nilingon niya ang taong kasalo niya sa mga sandali kanina. Nakita niyang gumalaw ito. At kumapa-kapa. Akala niya magigising ito pero hindi na niya ito nakitang gumalaw ulit. Ni hindi man lamang siya nito hinanap. Talagang dapat na niyang sanayin ang sarili niya na kahit nandito man siya o wala ay wala talagang pakialam sa kanya ang taong iyon. Paano nga namang magkakaroon ng pakialam sa kanya ang taong wala rin namang pakialam sa lahat ng bagay? Walang ibang importante dito kundi ang makapagpahirap ng mga taong hindi nito gusto. Nakukuha nito ang nais at itatapon na lamang kapag hindi na nito kailangan. Alam niyang ganun rin naman ang kanyang kahihinatnan subalit hindi pa niya magawang alisan ito ngayon.
Pareho lamang kasi silang may kailangan sa isa't isa.
Nagkibit-balikat na lamang siya, pinatay sa ashtray ang kanyang sinindihang sigarilyo at muling pumasok sa silid. Dumiretso siya sa banyo para maligo.
Another story will be written on her book. Another story will be scattered around her place. Another nightmare. Lalabas na naman siya para gumawa ng isa na namang kababalaghan. Though, it is not just a terrorizing night because she only brings fright to rectify things.
Undressing herself, she turned the shower on. Napasinghap siya nang maramdaman ang agos ng tubig sa kanyang balat. That made her shiver. Pumikit siya, tumingala at itinapat ang mukha sa shower.
Napakalalim ng kanyang iniisip para mapansin niya ang presensya ng isang tao sa kanyang likuran. Napaigtad siya ng bahagya nang may mainit na kamay na gumapang sa kanyang likuran. Napasandal siya sa dingding.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya habang ang kanyang mga kamay ay pilit na itinatakip sa kanyang hubad na katawan.
"Why didn't you wake me up?" Balik-tanong naman nito habang unti-unting lumalapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mystery of a TATTOOED Girl
Mystery / Thriller***[BxG] COMPLETED✔✔ Highest Ranking #7 deceit 7.28.18 #9 (nightmare) 6.20.18 In the shadowy realm of legends, where whispers of mysterious Silver Butterfly echo, Migz, fueled by insatiable curiosity, embarks on a quest to unveil the truth. As he na...