Nagising sila sa napakalakas na sigaw ni Lizette. Akala nila kung ano ng nangyayari dito kaya naman kahit pupungas-pungas pa ay nagmamadali silang sumugod sa kabilang kwarto.
"What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Nath.
Hindi muna ito sumagot. Sa halip ay tumingin ito sa ilalim ng kumot tsaka na naman muling nagmaktol na parang bata. "Who did this? Huh!"
Walang sumagot sa kanilang dalawa ni Nathalia. Maski siguro ito ay naguguluhan. Hindi naman siya makasagot kaagad sapagkat parang nakaramdam siya ngayon ng hiya.
Dahil sa pagtili ni Lizette ay nagulantang na naman sila. "Whatttt???!!!"
"Ah, eh.." Kamot-ulo naman niyang pahayag. Hindi niya malaman kung paano ba sasabihin dito ang nangyari kagabi.
"Ikaw ba, Migz?" Muli namang untag sa kanya ni Nathalia.
Tumingin ng pailalim sa kanya si Lizette, "Ikaw nga ba Migz?!"
Wala na siyang nagawa pa kundi ang tumango ng marahan para kumpirmahin ang bagay na iyon, "Yeah. Wala naman akong nakita. Except from y-" simula ng kanyang paliwanag na naudlot na naman dahil sa matinis na tinig ni Lizette.
"Except from what!"
"Except from your tattoos." he managed to say despite the glares that Lizette was giving him.
Bigla din naman itong nanahimik. Tapos para bang nabagabag.
"Where?" Basag ni Nathalia sa kanilang katahimikan na nasa himig nito ang pagkamangha.
"N-nakita mo?" Wala naman sa sariling naitanong ni Lizette. Blangko ang ekspresyon nito sa mukha.
Tumango-tango siya. "Oo. Nung wala ka ng blouse at pinahiga na kita't kinumutan, tumalikod ka kaya nakita ko." Diri-diretso niyang sagot.
"Patingin ako." pangungulit pa ni Nath at pilit na pinatatalikod si Lizette. Waal naman nagawa si Lizette kundi ang tumalikod na lamang. "Wala naman e."
Nangunot ang noo niya. Napatingin rin siya sa likuran ni Lizette, nagulat din siya kasi wala siyang nakita sa likuran nito gaya nga ng sinabi ni Nath. Hindi pa naman siya lasing kagabi, may tama lang kaya hindi siya pwedeng magkamaling may nakita nga siya sa likuran nito. "P-pano-"
Nath surrendered, "Naku, Migz! Lasing ka lang kagabi."
Hindi na lang siya sumagot. Tiningnan niya si Lizette at nangibit balikat lamang ito. Kalauna'y nakumbinsi din siya na baka nga namalikmata lamang siya kagabi. At dala na rin ng tama ng alak, pagod at antok ay kung anu-ano lang siguro ang nakita niya. Pero sa totoo lang, 50/50 ang paniniwala niya.
"Nabasa ko na 'yung gawa mo. Impressive but not convincing." Mr. Romualdez started.
Ipinatawag siya nito regarding sa article na kanyang ginagawa. Matatapos na niya kasi ang artikulo at kailangan pa itong basahin ng kanilang big boss bago i-publish. Ang kaso base sa sinabi nito ay mukhang uulitin na naman niya ang naturang gawa.
"Boss, that's all I got in mind. Binase ko lang lahat sa files na ibinigay sa'kin at iyan lang naman ang conclusion ko." he explained.
Sa totoo lang, tama ngang tinanggihan niya ang inaalok sa kanya ni Nathalia na patotohanan ang tungkol kay Silver Butterfly. Nang mabasa niya ang documents na ikinukulit nito sa kanya ay hindi na niya nagawang matapos iyon. It had fifty pages and he was stuck at the first part. Buong pagbabasa niya ay puro iling na lamang ang kanyang nagawa. Kaya naman iyon lamang ang napagbasehan niya para magawa ang artikulo, maliban sa nangyari kay Precious.
BINABASA MO ANG
Mystery of a TATTOOED Girl
Misteri / Thriller***[BxG] COMPLETED✔✔ Highest Ranking #7 deceit 7.28.18 #9 (nightmare) 6.20.18 In the shadowy realm of legends, where whispers of mysterious Silver Butterfly echo, Migz, fueled by insatiable curiosity, embarks on a quest to unveil the truth. As he na...