MYSTERY XV: = The Visitor =

921 19 0
                                    


"Pinigilan namin siya. Ang kaso ay ayaw niyang
makinig." paliwanag ng kanyang kausap sa telepono.

Napapikit na lamang si Samarra sa sobrang pag-aalalang kanyang nararamdaman. Mas lalo siyang kinakabahan ngayon. Para siyang naging amateur ulit dahil hindi gumagana ng maayos ang kanyang utak para makapagplano ng mabuti. Okay na sana lahat noong nasa Banawa pa si Migz. Isa na lang dapat ang kanyang iisipin--- kung paano mapapatumba ang mga taong gustong pumatay sa binata.

Subalit sa biglaan nitong pagbalik sa Gerona ay nagulo ang lahat ng kanyang plano. Nagsisisi tuloy siya ngayon kung bakit hindi niya binilisan ang kanyang kilos para sana kahit bumalik ng maaga-aga si Migz sa siyudad ay tapos na lahat.

"Okay. Kokontakin ko na lang ulit kayo kapag may nangyaring hindi maganda. May pupuntahan pa ako." she's about to end the call when the person on the other line spoke.

"Basta mag-iingat ka na lang, iha. Tawagan mo na lang kami kapag kailangan mo ng tulong namin." walang pagdadalawang-isip na sabi nito.

She heaved a breathe, "'Wag po kayong mag-alala sakin, Inang. Laban ko 'to. Hindi ko kayo pwedeng idamay."

Buntong-hininga na lamang ang narinig niyang sagot mula sa matandang kausap. Nagpaalam na siyang muli bago patayin ang tawag dahil baka kung ano na naman ang kanilang mapag-usapan.

Wala siyang ibang magawa kundi ang mag-isip ng plano habang nagmamasid sa paligid. Inaabangan kung sino ang kanyang makikitang umaaligid. Malalim na ang gabi. Nag-iisa lamang siya sa kanyang tinutuluyan dahil umalis siya sa napakalaking mansion kung saan naroon ang kanyang mga kasamahan.

Na kahit kailan ay hindi niya pinagkakatiwalaan sapagkat hindi niya naramdaman na dapat niyang ibigay iyon sa mga ito.

Naalala niya ang alitan nila ni Euricka. Alam niyang nabilog na nito ang ulo ni Vin kaya kayang-kaya na siyang pagtulungan ng dalawa. Si Vin kasi ang tipo ng taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Lubos na nakakalimot sa mga pinagsasamahan. At kung sino ang kasama nito ngayon ay iyon lamang ang kayang paniwalaan. Wala rin naman na talaga itong pakialam sa ibang taong napakinabangan na nito. Kapag nakahanap na ito ng butas ay umasa kang kalaban ka na nitong mortal. Gaya ng nangyayari sa kanya. Nararamdaman niyang pinababantayan siya nito kaya dapat siyang maging alerto.

Tumayo siya at naghanap ng kanyang damit sa closet. Nang makapamili na'y tsaka siya nagpalit ng suot. Pinili niya ang suot kung saan siya magiging komportable para sa gagawin niya ngayong gabi. Pagkatapos makapag-ayos ay umalis siya.

May gusto siyang puntahan, hindi dahil sa pakay niya rito kundi dahil namimiss na naman niya ito.

Walang pakundangang pinaharurot niya ang kanyang sasakyan. She was busy taking down the road and her mind was clouded with the thoughts of him. Sa kabila ng pagkainis niya ay hindi niya mapigilang mapangiti. Kahit papano'y nakakausap na niya ito kahit na iba ang kanilang topic ay ayos na ayos lang sa kanya. Spending some minutes with him was absolutely worthy. Dati, hanggang sa malayo lang siya. Napakalayong distansya. Sapat na para matanaw niya lang ang lalaking iyon. Sapat na para mabantayan niya ito. She knee, they were not destined to be with each other but as long as chances were fallin into her she would grab it. Lalo na't ngayong konting panahon na lang ang natitira kaya lulubusin na niya.

Sa malayo niya ipinarada ang kanyang sasakyan. Enough distance for him so that would not have the chance to follow her if he ever did. Bumaba siya dala ang isang balisong bilang proteksyon. Dala naman niya lagi ang bagay na iyon kahit saan siya magpunta.

Naglagay siya ng masasampahan niya para kapag umalis din siya mamaya ay mapadali na lamang ang kanyang pagbaba. Pagkatapos no'n ay umakyat siya sa isang puno na medyo malayo pa rin ang distansya mula sa naturang bahay. Sa pinakapuno nito ay ang mga sanggang ilang inches lang ang layo mula sa bubong. Kaya walang takot siyang umakyat at tumawid doon. Umaalog man ang mga sanga ay panatag siyang hindi siya malalaglag. Hindi rin naman kasi siya ganun kabigat at naaral na niya ang pag-akyat sa kung saan-saan.

 Mystery of a TATTOOED GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon