WALA na talaga siyang makita at wala na rin siyang naririnig na ingay mula sa mga nagbabasagang mga gamit. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Wala namang nanakit sa kanya ngunit hindi pa rin naman siya nakakasiguro. Baka naghihintay lamang ito ng magandang tiyempo para mapuruhan siya.
Hindi niya rin alam kung dala lang ba ng takot niya kaya naririnig niyang tinatawag siya ni Nathalia. Hindi niya talaga alam. Dahil wala siyang kamalayan sa lahat ng nangyayari ngayon. Bukod sa gising naman siya pero bakit parang walang nasasagap ang kanyang diwa?
Kumapakapa siya para humanap man lang ng bagay na pwedeng magbigay ng liwanag kahit papano. Sa kasamaang palad, wala siyang nakapa.
Kaya naman naisipan na niyang maupo sa sahig at sumandal na lamang sa pader. Ramdam pa rin niya ang pagkahilo. Hindi niya malaman kung anong bagay ang meron sa mga mata ng babaeng iyon at bigla na lamang siyang nawalan ng malay. Sa ngayon ay wala siyang pwedeng gawin kundi hintayin na lang ang pagliwanag ng kalangitan dala ng sikat ng araw. Ayaw na niyang umalis pa sa kinalalagyan niya para subukang buksan ang ilaw, hindi naman kasi niya alam kung nasa loob pa ba ng silid niya ang kinatatakutan niyang estranghera.
Kahit na hindi naman nakakatakot ang itsura nito ay hindi pa rin siya dapat maging kampante. Baka kasi sa likod ng mala-anghel na mukha nito ay nagtatago ang isang masamang katauhan.
Dala ng kalaliman ng kanyang pag-iisip ay tsaka lamang niya napagtanto na hindi lang isang estranghera ang nasa loob ng kanyang kwarto at kasama niya. May isang tinig pa siyang naririnig at ito'y isang babae rin.
Hindi naman siya babaero dahil isang babae lang ang nakapagpatibok ng kanyang puso kaya anong dahilan ng mga estrangherang ito at bakit nandun ang mga ito sa pamamahay niya?
"Anong ginagawa mo dito, mahal kong Samarra?"
"Ako ang dapat magtanong niyan sa'yo, Euricka!"
Samarra?
Euricka?
Hindi niya alam kung sino ang sino. Dahil wala naman siyang nakikita. At hindi niya alam kung paano nagkakakitaan ang dalawang estrangherang nasa loob ng kanyang pamamahay. May night vision ba ang mga iyon? Kasi talaga nga namang napakadilim. Ni wala ngang liwanag na nagmumula sa buwan, o kung saan man.
Sobra na talaga siyang nahihiwagaan sa mga nangyayari. Kahit kailan naman kasi, alam niyang wala siyang naging kaibigan na may mga ganung pangalan.
"Itong lalaking 'to ba ang kailangan mo?"
Hindi niya alam kung pano siya nakita ng nilalang na hindi naman niya nakikita dahil napakadilim.
Naramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang braso at pag-alalay sa kanya patayo. Sumunod na lamang siya sapagkat may matalim na bagay din na nakadiin sa kanyang leeg. Nahirapan siyang lumunok dahil baka kapag ginawa niya ay masugatan siya.
"Huwag!"
Ramdam niya ang pagdiin ng matalim na bagay na iyon sa kanyang leeg at unti-unti na rin siyang nakakaramdam ng paghapdi.
"Huwag ka munang makialam dito Euricka!"
"Oh?! Bakit parang nangangamba ka ngayon? 'Wag kang mag-alala. Pinadadali ko lang naman ang gawain mo."
Naiirita siya sa matinis na tono ng boses ng babaeng nakahawak sa kanya ngayon kaya naman, marahan niyang inilayo ang kanyang tenga sa mukha nito.
Subalit sadya 'atang may kakaibang kapangyarihan ang mga ito at sadyang napakalakas ng pakiramdam. Kaya naman ang braso nitong nakakapit lamang sa kanyang braso ngayon ay nakakwelyo na sa kanya. At mas lalo pa siyang sinasakal.

BINABASA MO ANG
Mystery of a TATTOOED Girl
Mystery / Thriller***[BxG] COMPLETED✔✔ Highest Ranking #7 deceit 7.28.18 #9 (nightmare) 6.20.18 In the shadowy realm of legends, where whispers of mysterious Silver Butterfly echo, Migz, fueled by insatiable curiosity, embarks on a quest to unveil the truth. As he na...