MYSTERY XI: = Mount Tarim =

988 22 0
                                    




"Migz?"

He turned around and his eyes widened when he saw Katarina standing before him. He smiled and walked towards her. Tsaka niya ito niyakap.

"Ang tagal nating hindi nagkita. Ang laki na pala ng pinagbago mo." she said blissfully.

Kumalas silang dalawa sa isa't isa. "And you, too. You grew more beautiful."

Natameme ito sa sinabi niya. He was just telling the truth. And the truth just came out from his mouth, unintentionally.

"Uhmm.. I-ikaw talaga!" ginulo nito ang buhok niya, gaya ng madalas nitong gawin sa kanya noong mga bata pa sila.

Matanda siya ng isang taon kay Katarina ngunit parang ito pa ang mas matanda sa kanya kung pagalitan siya kapag nagpapasaway siya sa kanyang lola. Hindi pa ito nakukuntento at sasamahan pa siya nito sa pag-aaral ng kanyang mga aralin at kapag hindi siya sumusunod ay pinapalo nito ang binti niya. Para siyang may ate kaya rin hindi niya naisip na magkagusto dito.

Ngayon, natatawa na lamang siya kapag naaalala niya ang mga bagay na iyon. Maraming bagay ang pinagsamahan nilang dalawa na kahit kailan ay hindi niya magagawang kalimutan, kahit pa sabihing may bestfriend na siya.

"Kailan ka pa nandito?" tanong nito nang magpasya silang pumasok sa loob ng bahay.

Umupo muna sila sa sofa bago niya ito sagutin, "Kahapon lang. Buti na lang at nagpunta ka dito ngayon. Kasi hindi ko alam kung anong araw kita maabutan sa inyo."

"Lagi naman akong nandito kapag may free time ako. Hindi ko naman kasi pwedeng pabayaan si inang, siya na lang mag-isa dito. Iniwan mo kase." biro nito na medyo tinamaan siya.

Inang ang tawag ni Katarina sa kanyang lola Amelia.

Binalewala na lamang niya ang sinabi nito. Alam naman kasi niyang wala itong intensyon na saktan ang kanyang damdamin. "Di naman. Naging busy lang ako sa trabaho."

"Yeah, I saw your success with just your car. Mukhang magaling ka na sa pagsusulat, a? I've read just a part of your book, 'Chances', 'Stop, Look and Listen. One move might be the end' and that was already stucked on my mind."

"Hindi mo ba natapos ang book na iyon?"

"Hindi e. Napadaan lang ako sa bookstore 'nun tapos nakita ko ang name mo sa libro. Hindi ko pa nga alam na ikaw ang author 'nun e." tumawa ito ng bahagya. "Infairness, mahal ang libro mo. Kaya hindi ko nabili. At binasa ko na lang siya sa bookstore. Kaso hindi naman iyon library para magtagal ako di ba? Kaya I just searched for some phrase that would stay on my mind, fortunately, I saw that."

Natatawa siya sa kung paano ito magkwento. Nagbago man ang pisikal na anyo nito subalit sa kilos, pananalita at sa hagikhik nito ay ito pa rin ang dating Katarina na kababata niya.

"I have some books of mine in my car. At lahat iyon ay ibibigay ko na sayo."

"Really?" lumuwag ang ngiti nito.

Walang pag-aalinlangan siyang tumango.

Sa sobrang tuwa nito ay napalundag ito at napayakap sa kanya. Humalik pa nga ito sa kanyang pisngi, na naging awkward pa. 'Coz, they may have been doing that years ago, but nowadays definitely made a difference. Especially, knowing Katarina had a crush on him that he did not know if that crush-thing was already gone.

Sa puntong iyon sila naabutan nila Lola Amelia at Lizette. Galing kasi ang mga ito sa likod bahay para magluto. Napatigil sila saglit at nahihiyang kumalas sa kanya si Katarina, mouthing a 'sorry'.

 Mystery of a TATTOOED GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon