Those tattoos.
Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang ang pagpasok ni Lizette sa kanyang isipan. Parehong may tattoo ang dalawa sa likuran, parehong mahaba ang buhok at balingkitinan ang katawan ngunit nasisiguro niyang hindi si Lizette ang kanyang pinagmamasdan. Magkaibang-magkaiba ang tattoo ng dalawa.
Lumingon ito sa kanya na siyang ikinagulat niya. Mas lalo siyang nagulat nang ilahad nito ang kamay nito. Hindi pa rin malinaw ang itsura nito sa kanyang paningin.
"Halika. Samahan mo ako dito." nakangiting anyaya nito.
What came up his mind was danger. He did not wanna take the risk of being with a complete stranger. Kahit pa nagawa niya itong sundan, ang paglusong sa tubig kasama nito ay animo nagbabanta na ng kamatayan. The thought gave him shiver.
He stood up while shaking his head. With a final decision on his mind, he turned around,
--only to get halted again.
"Gusto mo bang malaman ang totoo tungkol kay Silver Butterfly?"
It froze him momentarily. Totoo. Gustong-gusto niyang malaman ang tungkol kay Silver Butterfly. Hinihintay niya ang pagkakataon para mas makilala pa ang nilalang na iyon. Para mabuo ang istorya nito. Paano naman nalaman ng babaeng ito ang kagustuhan niyang iyon? Matagal na ba siya nitong sinusundan?
Bigla niyang naalala ang pag-uusap nila kanina ni Lizette, "Kapag nagakaroon ka ng pagkakataon na makita si Silver Butterfly, ano ang itatanong mo sa kanya?"
"Marami akong gustong itanong sa kanya. I wanna see her. Anyway, I'm halfway believing that she does really exist."
"So, ready ka na ba kung saka-sakali mang magkita kayo?"
"I think so."
Ito na nga ba iyon? Ito na nga ba ang itinakdang araw para magkita sila ni Silver Butterfly. Ngunit pakiwari niya'y napakabilis naman 'ata. At sa palagay niya'y hindi pa siya handa. Ano ba ang kinalaman ng babaeng ito kay Silver Butterfly? Kilala ba nitoang naturang nilalang o baka naman,
--ito mismo si Silver Butterfly!
Inakyat ng kilabot ang kanyang kalamnan sa pagkakataong iyon. Sa dami ng posibilidad ng kanyang iniisip, parang mas lalo lamang siyang natatakot. Kung ito nga si Silver Butterfly, ano ang dapat niyang gawin ngayon?
Muli niyang sinampal ang kanyang pisngi at mukhang alam pa nito ang kanyang ginawa.
"Totoo ito, Migz Jasper Lorenzo. I just want you to know that you aren't dreaming."
Sa pagkakataong iyon ay napaharap na siya dito. "A-anong alam mo tungkol kay Silver Butterfly?" Kunot-noo niyang tanong habang humahakbang papalapit dito.
Hindi ito sumagot. Their eyes met and seemed like he was being hypnotized just by staring at her. Looked like her facade was slowly growing clear. Frozen and terror-filled but he still managed to move his eyes away from hers. He could hardly swallow, his throat went dry. At narinig niya ang marahang pagtawa nito.
"Don't be afraid. I'm not your killer."
"Paanong--" Mas lalo lamang siyang natakot sa sinabi nitong iyon. Parang nais na niyang tumakbo pero wala siyang magawa.
"I know everything about you."
Para bang hindi na niya kinakaya ang mga sinasabi ng babaeng kaharap kaya napaupo na siya sa batuhan. "S-sino ka ba?"

BINABASA MO ANG
Mystery of a TATTOOED Girl
Mistério / Suspense***[BxG] COMPLETED✔✔ Highest Ranking #7 deceit 7.28.18 #9 (nightmare) 6.20.18 In the shadowy realm of legends, where whispers of mysterious Silver Butterfly echo, Migz, fueled by insatiable curiosity, embarks on a quest to unveil the truth. As he na...