Isang buwan na pala akong hindi nakapag-update! I'm very sorry for that! Babawi naman ako sa 10k update na 'to hahaha!
Supposedly puro screenshots lang 'tong update kaso ugh may 20 images limit pala 'tong Wattpad. So.. ipopost ko na lang sa Twitter yung screenshots this Saturday! So ito na! Go!
**
Chapter 53: Many The Miles
March 31 (Sunday)
Roughly 12 hours after our "moment" during Billy and Ninna's wedding, nakatanggap ako ng isang tawag galing kay Mars. I was about to ignore it -- busy kasi ako sa pag-eempake ng mga gamit ko para sa Visayas research trip namin starting tomorrow -- but it was Mars' third phone call for like ever, kaya kinabahan ako. Well established na sa history naming dalawa na emergency ang ibig sabihin ng mga tawag niya.
I answered on the fourth ring. "Mars? What's wrong?" I tried my best to sound calm.
"Ba't ba ang tagal mong sagutin ha?" she whined, and I felt relieved that she didn't sound frantic or urgent at all. That's a good sign, right?
"Nag-eempake kasi ako ng gamit teh. Bakit? What happened to Andreau?"
"Nakausap mo ba siya today?"
"Uhhmm.. No."
Kagabi pa ang huling usap namin ni Andreau, nung hinatid niya ako pauwi sa dorm. Alam naman ni Mars 'to, kasi nasa likuran lang ng kotse ni Andreau ang kotse niya. Parang siraulo kasi, pwede namang isabay din namin si Kesh kaso they insisted na masisira raw ang moment namin pag may kasama kaming iba sa Jeep.
Actually, hindi naman kami nag-usap. As in. We fell in a very comfortable silence after our "moment" last night. Hello, tinamaan din naman kami ng hiya na medyo inagawan namin ng spotlight ang newlyweds. (It was kinda weird na mukhang on board pa sina Billy and Ninna sa ganap namin. Hay, weird friends of Andreau!) So yeah, we didn't talk much but we smiled. Like a lot. Like ang sakit na ng panga ko pero hindi ko mapigilang ngumiti a lot. And may major (and sweaty) hand holding din na involved the rest of the night.
Marami pa akong gustong sabihin at itanong sa kanya kaso super overwhelmed pa rin ako sa mga sinabi niya sa 'kin.I sense na tip of the iceberg pa lang 'yon ng mga gusto niyang sabihin sa 'kin. Okay, like wow. Baka ikamatay ko ang mga natitirang bagay na tinatago niya ha. Andreau's really a man of few words, pero grabe naman kapag nagsalita na siya. Malay ko bang gano'n ang feelings niya? It's a bit scary and exciting to know na marami pa akong hindi nalalaman tungkol sa kanya. I thought I really know him but naaah. Andreau Cortez is such a constant surprise.
Mars' deep sigh from the other end alarmed me a bit. "Nyeta, sabi na nga ba. Pinaandar na naman niya ang katigasan ng ulo niya!"
"What's going on!?"
"Chill lang teh! Nasa condo lang naman siya kaso kagabi pa siya hindi lumalabas. Ilang beses na siyang pinuntahan ni Marisse kanina kaso ayaw lumabas. Patay din ang phone niy--"
"Is he in trouble?"
"Nah, I don't think so. I'm sure naghahanda lang 'yon for his thesis defense tomorrow. Alam mo naman si loverboy mo, career pagdating sa thesis niya!"
Well shit. Bukas na pala yung defense niya at hindi ko mapapanood 'yon. Paano ko nakalimutan 'to!?
"So.. let me guess. Gusto mong puntahan ko siya para i-check kung humiinga pa siya o hindi?" I said.
"Yep yep. Gano'n nga. Kilala mo naman yang loverboy mo, walang pakialam sa oras pag trabaho ang usapan. Puntahan mo siya, please? We're all worried."
BINABASA MO ANG
The Spaces In Between
General FictionThe thing with Valentine's Day is, either you hate it or you love it. And Zade Pascual definitely belongs to the first category. Para sa kanya, isang araw lang ito ng commercialized version ng pag-ibig. Walang kakilig-kilig at napakalayo sa true lov...