Chapter 35: The Impossible Girl
October 31
Aaahh… it’s that time of the year again.
Halloween. Isa sa pinakaayaw kong holiday (well.. not a holiday, but you get what I mean!) next to Valentine’s Day. Isang araw na puno ng horror movies, sweets and costume parties. Obvious naman na mababa ang opinion ko sa araw na ‘to. I really don’t get the sense of this.. thing. Gastos lang siya sa paningin ko, isang event para sa mga yamings.
But this year, it’s different.
Believe it or not, excited ko sa Halloween.
“ANDREAU!!! Ano ba ba’t ang tagal mo?” kinatok ko ulit nang malakas ang pinto ng kwarto niya. Mga isang oras na siyang nasa loob for heaven’s sake! Talo pa ako sa tagal ng pagbibihis! “Ang dali-dali lang namang suotin ng costume mo! What’s taking you so long?”
“Wait lang! Wag kang masyadong excited!” I could still hear his annoyance on the other side of the door. Ugh, siya pa talaga ‘tong may ganang mainis sa’kin ha. Ako na nga ‘tong pinaghihintay niya!
Pumunta na lang ako sa harap ng full length mirror sa tabi ng kwarto niya para tignan ang sarili ko. Wow ha, I look gorgeous. Compared to last year’s Halloween na pajama lang ang suot ko (What was I thinking, really?), bawing-bawi ako this year. Hah, eto talaga ang nangyayari kapag nagpaplano ako! Ang hirap kayang buuin nitong costume ko! Effort kung effort ako sa paghahanap ng costumes namin ni Andreau ha.
Yep.. ako ang naghanap ng costume ni Andreau. Wala na siyang magagawa kasi.. kasalanan niya ‘yon.
After fixing my red dress and leather jacket, and checking my black stockings, kinatok ko ulit si Andreau sa kwarto niya. OA na sa katagalan ang pagbibihis niya ha! Mahirap bang magsuot ng long sleeves at vest? Tuktukan ko ‘to eh!
“Andreau Francis! Ano ba malelate na tayo! Susunduin pa natin sina Dan at Kesh!” I was about to knock again when his door opened. Muntik ko nang makatok ang muk—
Holy mother.
Alam ko namang gwapo si Andreau. Hindi ako bulag at manhid sa taglay niyang charisma at sex err.. appeal. Sa tagal kong kasama siya may moments na mapapatigil na lang ako at napapa-Triple shit ang gwapo pala talaga ni Andreau Cortez it’s so unfair. Kahit makapal ang mukha ko, minsan nai-insecure ako sa itsura niya. Sinalo na niya lahat eh!
Kaso ngayon.. my God. First time kong mapanganga sa kagwapuhan niya.
I was gobsmacked by his handsomeness. Hello, ako ang pumili ng costume niya for tonight pero bakit.. parang.. ugh! Simpleng light blue na long sleeves, black vest, dark blue na bowtie (with little polka dots) and dark brown Belstaff coat ang costume na pili ko for him. But oh boy, napanganga ako sa round rimmed specs at Fez (a brimless cone-shaped crowned hat, color red) na suot niya.
Good Lord, bagay na bagay sa kanya ang costume na napili ko.
“Hoy ano na?” his irritated voice brought me out of my trance. Nakapamewang na siya, hinihintay ang susunod kong gagawin. Umikot siya sandali na para bang minomodel ang costume niya. “Do I look.. okay?”
I nodded dumbly. “Uhh.. v-very much okay, A-andreau. Real okay.” Damn, I’m stuttering. Why am I stuttering? Bakit biglang naging baligtad ang mundo namin ni Andreau ngayon?
Giving me a suspicious look, he raised his eyebrow. “Yang bang okay mo ay yes okay o no pangit okay?”
“Y-yes okay. Ano ka ba, I picked your costume. Of course yes okay!” umiwas na ako ng tingin sa kanya. Please wag ka magblush, Pascual. Not. Helping. But shit, he looked good. Parang fashion show ang pupuntahan namin at ‘di isang Halloween party!
BINABASA MO ANG
The Spaces In Between
General FictionThe thing with Valentine's Day is, either you hate it or you love it. And Zade Pascual definitely belongs to the first category. Para sa kanya, isang araw lang ito ng commercialized version ng pag-ibig. Walang kakilig-kilig at napakalayo sa true lov...