[34] Bedtime Stories

197K 4.6K 3K
                                    

May TSIB Outtake ficlet akong pinost sa What Would Happen If entitled You Should Listen First.. Really. Nangyari 'yon between Chs 33&34. May link sa right side!

**

Chapter 34: Bedtime Stories

Akala ko hanggang sa script lang ang participation ko sa Tila. Yun lang naman kasi ang usapan namin ni Andreau eh. Kaso, since sembreak pa rin, hindi pa siya nakakabuo ng team and cast, so no choice ako kundi samahan siya at maging (temporary) assistant director niya.

I expected na magiging distant siya after ng death anniversary ng parents niya. As usual, ginulat na naman niya ako. The next day niyaya niya akong manood ng kung anu-anong play buong araw. Gusto raw niyang maghanap ng talents from the theater people dahil nag-aagawan na sila ng actors ng iba niyang Film buddies.

Ugh, plays. Hindi ako mahilig manood ng movies at TV shows pero mas hindi ko kayang manood ng plays (Sorry, theater people!). Ako kasi yung napapagod para sa actors na nasa stage! I didn’t tell Andreau about this, though. I’m sure papagalitan na naman niya ako about sa pagiging close-minded ko sa ibang forms of art. (Well hindi naman ako nagpapatalo, pinapamukha ko sa kanya ang ignorance niya sa literature. That shut him up.)

For three days nanood kami ng halos 20 plays, and we got almost all of the people we needed for the movie.. except.. Tila. Ang dami namang magagaling (at magagandang) theater actresses sa mga napanood namin kaso.. wala sa kanila yung may exact Tila feels. Nagpa-audition tuloy si Andreau for two days, but we only got more actors for other roles.

Medyo nagsisisi nga ako na ginawa naming complicated ang character ni Tila. She’s too spontaneous, too carefree, too cray-cray (Kesh’s words) kaya ang hirap humanap. Biniro ko nga si Andreau, sabi ko ako na lang ang gawin niyang Tila. Tinawanan niya lang ako at bumanat ba naman ng Zades wag mo na nga i-try maging funny. Di bagay sa’yo.

That annoying man.

So mga isang linggo na rin naming problema yang si TIla. Gusto ko pa sanang maghanap pa ng ibang actress kaso ‘tong si Choleric Andreau mas gustong i-push ang nasa Gantt Chart niya. According to his (annoying) chart, dapat ay maghahanap na kami ng potential locations for the scenes.

That’s what we did today.

Gumawa siya ng listahan ng 10 simbahan na pwedeng maging main location namin for Tila. Sa isang simbahan kasi magkakakilala sina Benny at Tila so kailangang magandang simbahan ang piliin namin. Yung may character, edge and history. Buong araw kaming nag-ikot sa buong Metro Manila para lang sa sampung simbahan na nilista niya. Dear Lord, ‘di ko kinaya ang Visita Inglesia namin ngayong October ha!

(Pinag-awayan namin kung ano ba talaga ang gusto naming simbahan for the movie. Gusto ko sana dun sa Manila Cathedral kaso ayaw niya. Baka raw matulad sina Tila at Benny kina Sharon at Gabby. He was surprised na alam ko yung reference na ‘yon, thanks to my Sharonian mom.)

Sa Makati City ang huling simbahan na pinuntahan naming, Nuestra Señora de Gracia Church. Wild card nga lang ‘to sa listahan niya, sinuggest ni Mars kasi yan daw ang favorite niyang simbahan.

Parehas kaming natameme ni Andreau nang lumabas kami ng sasakyan niya. My God.. the church looked so much better than the photos! Sa steps talaga ako naakit eh. It looked so grand and perfect ‘to para sa unang meeting nina Benny at Tila. Sarap magphoto-op dito! Saktong ang ganda pa ng blue sky kaya kinunan ni Andreau ang façade ng simbahan. Hindi ako makapili kung ano mas maganda, yung kuha sa camera o yung mismong nasa harap namin. Halos walang pinagkaiba eh!

We stood there in silence, still admiring the church’s façade. “Andreau,” I nudged him. “Ano na? What do you think?”

Inayos muna niya ang suot niyang baseball cap. Grinning widely, he replied, “This is our church, Zades.” His eyes were gleaming with excitement, and I could practically hear his thoughts out loud. Parang naging si Tristan tuloy ang kasama ko dito!

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon