[2] So Not A Fangirl

319K 6.1K 604
                                    

Disclaimer: I'm not an Andreau Cortez fangirl.

Hindi ako tulad ng ibang teenage girls na titili pag nakakita ng gwapong artista. I rarely watch TV, so hindi ako makarelate sa kinaadikan ng karamihan. Si Kesh lang naman ang nagsasabi sa'kin ng mga chismis. Madalas kong nagpapalit ang mga pangalan ng artista, so kailangan niyang ipakilala sa'kin lahat bago siya magkwento ng chismis. I'm not that ignorant. Showbizness isn't really my thing.

But he is Andreau Cortez. Kilala ko siya kahit hindi ako nanonood ng TV,

Well, kung sino man ang hindi nakakakilala sa kanya ngayon, malamang nagtatago yun sa ilalim ng bato.

He is everywhere. TV, magazines, billboards, radio ads, pati sa likuran ng mga bus nandun ang mukha ni Andreau. Makikita siya sa TV mula madaling-araw (I saw their TV station's music video for Lupang Hinirang, he's there) hanggang sa sign off part ng station (I don't have any idea kung bakit isa pa siya sa nasa video na yun). Halos maumay na ako sa kabi-kabila niyang endorsements!

Saying that Andreau Cortez is the best actor of his generation is quite an understatement for me. Compared naman sa batchmates niya na puro pagpapacute ang alam, seryoso si Andreau sa trabaho niya. Pwede bang bestest? As in, level sa veterans ang acting skills niya! He's that good.

Four years ago lang siya naging mainstream actor. Nadiscover siya sa isang fast food commercial. Sabi nga ni Kesh, never niyang inakalang mapapakain siya ng shanghai dun sa ineendorse na fast food chain dahil kay Andreau. To quote her, "He made eating lumpiang shanghai more appetizing for me." Coming from a vegetarian.. that's something.

As a newcomer, many people believed that he's just a pretty face. I was one of them. Ganun naman talaga ang first impression sa teen actors and actresses, right? Pa-tweetums, ila-loveteam sa girly na teen actress tapos gagawan ng magkakasunod na teleserye. Tapos pag naging successful ang show, igu-guest sa noontime variety show every Sunday para lang maglipsynch. Isa yan sa reasons kung bakit ayaw kong manood ng TV. Ang pathetic lang kasi! 

Of course, Andreau is different. Although siya ang pinakagwapo sa batch nila sa home network niya, hindi siya nabigyan agad ng teleserye. According to Kesh, hindi pa raw magaling umarte si Andreau nun. Paextra-extra lang siya sa teleseryes, kapatid ni ganito, schoolmate ni ganun..

Until mabigyan siya ng isang role para sa isang indie film.

Waiting Shed was his first film, and doon ko rin siya unang nakita na umarte. Pinapanood ng Values Ed teacher namin yung film sa klase namin. He played the role of Dino, a teenager na may isang degenerative disease. Tinatago sa family and parents ang condition niya kasi gusto niyang makagraduate ng high school with honors. Lagi niyang hinihintay sa may waiting shed si Mrs. Evasco, isang elementary teacher, para sa meds niya. Nagkakilala silang dalawa sa ospital; may cancer din kasi ang asawa ni Mrs. Evasco at siya ang dumamay kay Dino nung lumabas ang lab results nito.

I don't really watch movies, lalo na ang indie kasi.. wala lang. I prefer books, mas malawak kasi ang imagination sa ganun eh. Pero yung Waiting Shed.. shit talaga. Nakakadala ng emosyon! Hindi ako iyakin pero naluha talaga ako. Ang galing ni Andreau dun. Maling-mali ang first impression ko sa kanya! Ang yabang niya kasing tinginan eh, at mapapaisip ka kung kaya ba niyang dalhin ang role. He delivered so well! Tsaka bumilib ako sa kanya, nagawa niya yung kissing scene with Mrs. Evasco sa film. The actress is old enough to be his grandmother!! Wala lang, naamaze talaga ako sa kanya.

Nanalo siya ng best actor sa isang indie film festival, besting other veteran mainstream actors. He gained my respect ever since. Minsan nga naluluha ako pag natatandaan ko yung last scene sa movie. That was my favorite part ever.

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon