Epilogue

311K 6.7K 5.1K
                                    

So... this is it.

The Spaces in Between: February 14, 2014 - September 12, 2016. 😭😭😭😭

2012 pa noong nakatapos ako ng kwento rito sa Wattpad. Grabe, ganito pala ang feeling. Nakalimutan ko na kasi four years na rin since tinapos ko ang If I Fall lol. Nakakakaba.

Anyway, ayokong magdrama. Ito na ang epilogue.

Wala 'tong Book 2, okay? Wag na ipilit! :)

****

Epilogue

Four months later.

AUGUST

Thursday nights are usually acads nights for me, especially ngayon na last year ko na sa college. Gano'n pa rin naman ang ganap ko this week... kaso with a slight twist. Instead of doing my schoolworks in our dorm, I found myself cramming this Creative Writing assignment outside a loud and overly populated club. Ang sama nga ng tingin sa 'kin ng mga nagyoyosi rito sa tapat eh. Para akong engot na nagsusulat habang may kausap pa sa phone. Sino nga ba naman ang gagawa ng assignment sa labas ng isang club, 'di ba? Buti pa 'tong si Kuya Bouncer, sobrang understanding sa kalagayan ko. Pinahiram pa niya sa 'kin ang extra small notebook at ballpen niya kasi kung hindi, sa tissue paper ako gagawa ng kwento.

UGH. I never planned this for tonight. I should be celebrating inside with my friends kaso... walang patawad 'tong kausap ko sa kabilang linya.

"Hoy! Narinig mo ba 'yong sinabi ko ha?" sigaw ng kapartner ko sa assignment na 'to. Hindi ko alam kung alin ang unang magiging cause ng pagkabingi ko: ito bang kausap ko o yung "party trash music" sa loob. "Okay na ba 'yon sa 'yo?"

I quickly wrote down what my partner said. Well shit, goodluck sa 'kin sa pagre-rewrite nito pagkauwi ko sa dorm mamaya. Wala akong maintindihan sa sinulat ko. "Wait lang, ito talaga ang suggested climax mo? This is like Breaking Bad."

I could practically hear and see her eyes roll from the other line. "Breaking Bad with a twist nga, teh! Pucha naman, are you even listening to me!? Our protagonist is a female version of Walter White!"

"I get that pero for sure hahanapan tayo ni Ma'am ng something new--" I was cut short when the black rusted steel crate entrance door of the club suddenly opened, revealing a huge throng of loud and very drunk partygoers coming out. Mas sumiksik ako sa may gilid ni Kuya Bouncer sa takot na maapakan ng mga lasing na 'to. I heard a loud groan, and probably a string of foul words from my partner. One of these days isa-suggest ko sa kanya na magsign up siya sa anger management classes, she badly needs one kasi.

"Tangina, nasan ka ba?" my partner asked, angrier this time.

"Uhh... dito sa may Black Market sa Makati--"

My partner snorted loudly. "Wow, party on a school night! Grabe, hindi ko kinaya ang pagiging model student mo!"

"Ngayong gabi lang naman! We're celebrating something!"

She said something kaso hindi ko na narinig dahil binuksan ulit ni Kuya Bouncer ang malaking pinto. Nang maisara na ni Kuya, inulit ng partner ko ang sinabi niya. "Naku, ewan ko na sa 'yo! Wag na wag mo akong sisisihin pag wala tayong naipasa kay Ma'am ha? Mabuti pa magmeet na lang tayo tomorrow before class, okay!? Baka hinahanap ka na ng jowa mo, ipa-Chismis Squad pa ako no'n!"

"Barbs! Hoy! Wai--" and there, the line went dead. I tried calling her back kaso cannot be reached na ang phone niya. Pahirap talaga sa buhay 'to, oo! Wala akong free time pag Friday! Paano namin matatapos ang short story assignment namin?

Defeated, nagthank you na lang ako kay Kuya Bouncer at pinilas ang ilang pages sa maliit na notebook bago ko ibalik sa kanya. I tucked the papers on the back pocket of my jeans before returning to the other bar next door. Nope, hindi ako papasok sa club na yan. Ain't my thing.

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon