Chapter 32: Of Burgers, Movies and Roadtrips
From: Andreau
Where are you?
ToAndreau:
Arts & Letters. Why?
Dyan ka lang. May ipapasa lang ako kay Ma’am then I’ll pick you up. See you in 10 minutes.
Ha? Bakit? May gagawin ba tayo?
Will tell you later. See you in 10.
May klase ako ng 10AM! Anong meron?
I waited for him to reply pero after five minutes wala pa rin. That annoying guy!
That was.. weird. Ilang araw na rin kasi kaming hindi nag-uusap ni Andreau. First week of October na kasi, and that only means one thing: deadlines. Limbo week bago magfinals. Parehas kaming ngarag sa requirements na kailangang ipasa within this week. Busy siya sa final final final (yes, thoroughly checked!) draft ng Tila, habang ako naman nagpakalunod sa walang katapusang term papers at reaction papers. Actually, it was his decision not to contact me at all. Nag-offer nga ako na tulungan siya para i-review ang final final final draft kaso siya ‘tong nagpumilit na magsarili. For this whole week, five text messages (excluding the exchange above) lang ang natanggap ko sa kanya. That was very un-Andreau like; dati araw-araw siyang nagti-text para mangamusta tapos ngayon..
Oh no, hindi niya ako iniiwasan dahil dun sa kiss. Case closed na ‘yon para sa’min. History. Hindi na pag-uusapan kahit kalian. Bawal gawing inside joke. Napag-usapan na namin siya that day so we’re good. We’re more than fine. Solid as diamond, ‘di matitibag.
Isn’t it weird na hindi kami awkward ni Andreau after that kiss? I mean, hindi naman sa nagtatampo ako o ano.. pero ‘di ba tapat maging weird? Friends don’t kiss like that, right? Well, in other friendships siguro may ganung kaganapan pero sa’ming dalawa? Dapat wala. Hindi naman kasi kami ganung ka-intimate, ano. At hinding-hindi kami magiging intimate ni Andreau.
Okay ako lang ata ‘tong nag-iisip nang ganito eh. Mukhang okay naman si Andreau sa’kin. Hindi naman niya ako ite-text para makipagkita kung awkward siya sa’kin, ‘di ba? Hah, Pascual! Don’t overthink this thing! Wala na ‘yon, promise. Pag dating ng 10AM, okay na ulit kayo ni Andreau. Parang walang nangyaring kiss sa inyong dalawa last week.
xxx
Today’s Friday, and it’s also the last day of our sem. Buti na lang talaga at ngayong araw tumapat! Hanggang 11:30AM lang kasi ang klase ko pag Friday so.. that means.. I’M FREE! I’M FREE!
Dumiretso kaagad ako sa Arts and Letter steps after ng first class ko. Ano kayang topak nito ni Cortez at gustong makipagmeet? Eightminutes na lang magkaklase na ako oh! At sa kabilang side pa ng campus ang room ko!! Pwede namang hindi umattend ng klase ngayon (since last day nga) pero wala pa kasi akong absent so.. medyo nanghihinayang ako. Ah, bahala na nga! Pwede naman sigurong mamayang hapon na lang ‘tong ganap ni Andreau!
Pssst. Wru? May class pa ako ng 10AM! Ayoko malate!
Hindi na naman siya nagreply. Ugh. Pag ako pinagtitripan lang nito.. sisirain ko lahat ng Blu-Ray DVDs sa condo niya!

BINABASA MO ANG
The Spaces In Between
General FictionThe thing with Valentine's Day is, either you hate it or you love it. And Zade Pascual definitely belongs to the first category. Para sa kanya, isang araw lang ito ng commercialized version ng pag-ibig. Walang kakilig-kilig at napakalayo sa true lov...