[49] The One With The Fine Line

176K 4.3K 2.1K
                                    


Filler chapter!

***

Chapter 49: The One With The Fine Line


Okay, I'm taking it back.

Andreau Cortez is somehow a romantic.

Magbunyi na ang Dreausters. Now I'm very convinced na kahit papaano may tagong romantic side yang idol niyo. Ibang klaseng romance nga lang ang kanya, kasi hello, buwis buhay at walang ligo for almost two days.

Pero super duper worth it.

I couldn't ask for more.

Well, except for more full body massages. Mga isang buwan pa ata bago ako makakarecover mula Mt. Bulusan trip namin. Sumasakit agad ang legs ko every time na nakakakita ako ng mataas na landform. Mga 10 years pa siguro ulit bago ko aatimin na umakyat ulit sa kahit anong bundok dito sa Pinas. Kahit gaano pa kaganda ang sunrise sa taas ng bundok... ah no thanks talaga. I'll pass.

So.. yeah. Back to the real deal.

Hindi natapos ang date namin sa pag-akyat sa Mt. Bulusan. Since Monday afternoon pa ang flight namin pabalik ng Manila, may mga pinlano pa palang activities si Andreau. Phase 1 lang pala ang Mt. Bulusan adventure! Kasama sa Phase 2 ang pinakahihintay kong hot spring and massage, tapos nag-ikot at food trip din kami around town. Medyo nalungkot pa nga si Andreau na walang available na motorcycle for rent that day. Ako? Aba, I'm more than relieved! I trust him so much, but I don't really like motorcycles. Nag-enjoy naman kaming maglakad at magcommute sa area. In fairness sa kasama ko ah, familiar na siya rito sa place. Wala na kaming kasamang tour guide at hindi na nagtanong sa locals!

Ang weird nga eh, wala masyadong nakapansin kay Andreau dito. Mukha ba talaga kaming turista?

(Traveler daw pala, hindi tourist. Ewan ko ba kung saan napulot ni Andreau ang quote na yan.)

But.. all the good things must come to an end. As much as we wanted to extend our weekend getaway, hindi namin pwedeng takasan ang responsibilities namin sa Manila. Naputol ang kung anumang romantic trance na bumalot sa 'min nang sumakay kami sa eroplano. Ayun, nahawa ako sa Planner!Andreau at napagawa na rin ako ng schedule ko for the week.

Lakas din kasi ng loob namin na umalis habang hell month, ano?

We never talked about that Bulusan kiss. Words weren't enough to describe how happy we were that moment. Okay na 'yon. That moment will always be ours.

Anyway, balik realidad agad kami pagdating sa Manila. After akong ihatid ni Andreau sa dorm, dumiretso siya sa editing ng final cut ng Tila. Inaya naman niya ako kaso I declined. Excited akong makita kung paano nila ine-edit ang Tila pero pwede ko naman 'yon mapanood next time. Kaya ayun, natulog lang ako for four hours bago lumarga sa papers na iniwan ko. Himala ngang nakatapos ako ng three papers in just six hours, a new record for me.

Inspired ka kasi teh, pang-asar ni Kesh nang pinagmayabang ko sa kanya ang new life record ko paggising niya. Well-rested pa. Not to mention na super blooming. And seriously, will you please wipe that smile off your face? Nakakainsulto sa pagiging loveless ko ha!

Ni hindi ko nga napansin na ginagawa ko yung smile na binibintang sa 'kin ni Kesh. Ngiting-ngiti ako? Ah, that explains why my cheeks hurt so much. Ang dami ko namang rason para maging masaya lately. Pero.. ibang klaseng saya nga 'tong nararamdaman ko after ng date namin.

I'm not assuming anymore. I felt something shifted between us.. Something more. Yeah, masarap nga sa pakiramdam kaso may maliit na takot pa rin sa loob ko. Natural lang naman siguro ang matakot, 'di ba? Iba na kasi 'to eh.

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon