[1] Of Massacres, Saints and Coffee

557K 8.6K 2.2K
                                    

 CHAPTER 1: Of Massacres, Saints and Coffee

Sorry, pero hindi ako naniniwala sa Valentine’s Day.

Naniniwala naman ako sa true love, destiny at forever. Pero itong Valentine’s season? I’m not buying it. Oo na, medyo romantic na nga ‘tong February 14 with its quirks like bouquet of roses, chocolates and surprises. Pero.. ang commercialized na masyado! Nasaan na talaga ang essence of romance? Kelan pa naging equivalent ng true love ang chocolates (Well.. this is debatable, though) at flowers? Kelan pa nabibili ang true love?

Tsaka.. hindi naman talaga super romantic ang origin ng Valentine’s Day! Nagsimula talaga yan kay St. Valentine eh. Ang legend, umayaw daw siya na maging sacrifice sa pagan gods. Ayun, nakulong. Tapos dahil sa prayers niya, napagaling niya yung anak ng jailer niya na bulag. Then before he was executed, nag-iwan siya ng note dun sa pinagaling niya, ending with Your Valentine.

May isa pang version na pinatay daw si St. Valentine dahil nagkakasal daw ito ng Christian couples in secret. In the end, he was beheaded. Of course, people would opt for the romantic story. Kelan pa ba naging appealing ang pagpugot ng ulo, ha?

Idagdag mo pa si Shakespeare! Nakisali siya sa bandwagon ng Valentine’s shit na ‘to. Check out Hamlet, Act IV Scene 5 and you’ll see what I mean.

Hindi ako anti-Valentine’s ha. May point din naman sa buhay ko na nag-enjoy ako sa season na ‘to. Natutuwa kasi akong makakita ng couples in love, yung tipong simpleng ngiti nila ramdam mo na sila na forever. I still do feel that sometimes!

Pero nakakainis kasi yung World History lesson namin nung high school! Yung teacher kasi namin, sobrang bitter sa love. Ayun, para sa kanya, wala namang romantic sa Valentine’s Day kasi according to history, naganap ang worst gangland slaying noong February 14, 1929. Seven men were killed with 90 bullets from submachine guns, shotguns and a revolver. St. Valentine’s Day Massacre ang sine-celebrate ng teacher ko, at hindi ang romantic shit na yan.

“Hoy Zade!” panggulat sa’kin ni Kesh, friend ko. Binato pa niya ako ng tissue. “Okay lang? Tulala ka na naman eh. Makita ka dyan ni Sir, lagot ka na naman!”

“May naisip lang ako, girl. Wala naman si Sir eh!”

Kanina pa kasi kaming walang customer dito sa mumunting café na pinapasukan namin, ang Café Feliz.  2PM naman kasi, kalagitnaan ng dull hours ng café. Malapit kasi sa university na pinapasukan namin ‘tong Café Feliz, and karamihan sa customers namin ay students and professors. Iilan lang ang customers namin pag 1PM-3PM. Wala kaming ginagawa, nakikinig lang ng music o pasimpleng nakiki-wifi. Ang ginagawa ko ngayon? Nakatunganga lang sa Cupid na décor dito sa may counter. Nung July pa nga ‘tong décor na ‘to dito eh! In fairness, todo design kami dito sa apartment para sa occasion na ‘to. Red paper hearts everywhere! May cupid figurines din sa bawat table. Tapos yung playlist namin na usually bossa nova songs, napalitan ng love songs na sobrang cheesy and too good to be true.

Expected namin na wala masyadong tao dito sa café ngayong araw. Valentine’s Day kasi ngayon, busy ang mga lalaki na maghanap ng roses para sa special someones nila, at ang mga babae naman todo nagpapaganda para mabigyan ng chocolates. And besides, hindi naman kami masyadong pansinin, unlike other very established cafés.

“Hindi ka ba nagtataka kung bakit forever baby-like si Cupid?” I asked her curiously. “Di ba? Come to think of it. Tumatanda din naman ang gods and goddesses, right?”

Kesh rolled her eyes at me as she placed the last piece of cheesecake inside the ref. “Ibang klase talaga nagagawa ng boredom sa’yo, Zade! Saan mo hinugot yan?”

“As usual, eto!” tinuro ko si Cupid na nakasabit sa kisame. “I really don’t get it. Sobrang worked up ang mga tao sa araw na ‘to. Can’t they just celebrate love everyday?” Sasabihin ko pa sana yung mga iniisip ko kanina kaso may hawak si Kesh na mainit na coffee pot, so nevermind.

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon