[12] Eggnogs and Ballpens

221K 4.3K 704
                                    

Ang chapters 12 & 13 ay medyo filler chapters dahil I'm preparing for the 14th chapter! Sorry if masyadong mataas ang expectations niyo for this Christmas chapter. Pero.. first Christmas nila together.. I think may second Christmas pa XD

Enjoy! :)

-A&Z-

Chapter 12: Eggnogs and Ballpens

 

DECEMBER 24

 

From: Ms. Marisse Valerio

Hey Zade! What time are you swinging by? J

Gosh, ba’t ba ako napressure sa text ni Ms. Marisse? I’m on my way to their condo right now, nasa jeep na ako actually. It must be the smiley, Zade. Yeah, the smiley.

O sadyang paranoid ka lang ngayon.

It’s Christmas in a three hours yet I’m nervous. Dahil ba ngayon lang ulit ako magpa-Pasko ng may kasama? My Christmases for the past five years were kinda bland.. and lonely. May kasama naman akong iba kaso.. yung feeling na kasama mo lang sila para mairaos mo lang ang occasion.. basta ganun ang feeling ko.

Ngayon lang ako magpa-Pasko na may kasamang.. okay sa’kin.

Four years akong nakitira sa iba’t ibang kaibigan nina Mima at Nana Tinang dito sa Manila. Lahat naman sila mababait, very accommodating and itinuring akong pamilya. Kaso.. pag may family-oriented occasions like Christmas, I can’t help but to feel left out. Hinahanap ko kasi yung authentic Christmas feel, the domestic one. Hindi yung parang nakibisita lang ako. Sige pa sa drama!

Last year, sa dorm ako nagcelebrate ng Pasko. Bumisita kasi ang family ni Tita Mel at dun na rin nagcelebrate kaya medyo okay na sa’kin. This year.. I’m spending it with a family I’ve come to love. Bago ako umalis papuntang San Ignacio two weeks ago nung nagstart ang Christmas vacation, todo paalala sina Tristan and Ms. Marisse about my Christmas with them. Buti pinayagan ako nina Nana na bumalik ng Manila sa mismong Pasko para kina Tristan, they’re so grateful na mabait ang family nila sa’kin. I promised na sa San Ignacio ako ang magcecelebrate ng New Year.

Welcome naman ako sa bahay nina Ms. Marisse pero ba’t kabado pa rin ako?

Ugh. Dahil siguro sa sinabi ni Andreau two weeks ago, nung nagkasalubong kami sa lobby ng building nila. Palabas na ako tapos siya pasakay ng elevator.

Zade.. kina Marisse ka sa Christmas, right?

Uhmm.. yes. Bakit?

Ah. Nothing. Sinisigurado ko lang.

What’s that supposed to mean?

Nothing.

Come on. Sinisigurado ang ano?

Na.. masaya si Tristan sa Pasko? Yun lang. He can’t stop talking about you, you know.

Really? That’s all?

Do you think there’s more?

Uhmm.. w-wala na. Naninigurado lang.

Hm. See you on the 24th, then. Bye.

 

So may karapatan naman akong maparanoid dahil diyan. He never texted me about that, either. Talagang ineexpect ko na itetext niya ako ha. The last text I received from him was a month ago, November 1. Tinanong niya ako if buhay pa raw ako, as per Tristan’s request. And that’s it. Feel na feel ko namang pag-aaksayahan niya ako ng load!

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon