[52] It Takes Two

196K 4.8K 2.3K
                                    

So... two updates in a week? Hindi naman ako eager na matapos 'to agad, ano? Hahaha!

Yeah, here we go. Four chapters to go guys!

Chapter title was taken from a quote from F. Scott Fitzgerald's The Great Gatsby: It takes two to make an accident."

All mistakes are mine! Hindi pa 'to edited hahaha sorry masyado akong naexcite na i-post 'to.

***

Chapter 52: It Takes Two


Good call na umuwi ako sa San Ignacio for Holy Week. I badly needed time out from everything I have in Manila. Sa six day stay ko sa probinsya, mas narelax ako sa presence ng dagat (had a large dose of Vitamin Sea while I was there), nina Nana Tinang (na medyo nakakalakad na nang maayos, thanks to Ms. Marisse support for her therapy, at ang mga lumang libro ko.

Ni hindi ako nagbasa ng kahit anong material na related sa research namin for next month. Sinabi rin naman ni Sir Edgar na i-enjoy namin 'tong mini vacation namin dahil sasabak na agad kami sa trabaho once na lumapag kami sa Visayas. Less than two weeks before our trip at imbis na kabahan ako, mas na-excite ako sa pagreresearch. This may sound boring to others, pero para sa 'kin ang gandang learning experience 'to. I get to know new people and new stories, plus makakatulong sa ibang tao ang output namin. Kahit pa tatlong linggo akong hindi matulog, okay lang sa 'kin. Work lang nang work!

Hay, nahawa na ata ako sa pagiging workaholic ni Andreau. Kung last year sa 'kin inoffer 'tong project na 'to baka sinukuan ko na kahit hindi pa nagsisimula. Thanks sa training ko sa paggawa ng Tila, I'm sure masusurvive ko ang tatlong linggo!

Speaking of, sinabi ko naman kay Andreau na uuwi ako rito thru text. Isang Okay. Pakikamusta na lang ako kina Nana. Take care, Zades :) lang ang nareceive kong reply from him. Wala na siyang texts sa 'kin for the whole week. Medyo, okay, nag-naalala ako nang bongga sa itinerary niya for the whole week. Baka kasi pumunta na naman siya sa Sagada or saan mang bundok para sa kanyang "soul searching". Really, kailangan bang sa delikado at matataas na lugar siya pumunta? Ugh.

Good thing binalita sa 'kin ni Mars ang ganap nila for the Holy Week. Apparently nasa Calaguas sila kasama sina Roldan, Ninna, Billy, and their whole entourage. (Disclosure: stinalk ko rin ang Instagram account ni Andreau, at 'yon nga, puro sunrise at sunset ang laman ng feed niya. Sobrang disappointing na wala man lang shameless topless selfie. Bummer.) At least nae-enjoy niya ang mini-vacation niya from his thesis. He badly needed a break from.. everything, too.

Sineryoso na naman niya yung sinabi kong time off namin sa isa't isa. Sana man lang nagtext siya sa 'kin, ano? Fine, medyo nag-abang ako ng text galing sa kanya. Hindi naman siguro OA 'yon, 'di ba?

I took Ms. Marisse's advice at pinag-isipan ko nang mabuti ang tungkol sa 'ming dalawa ni Andreau. At dahil nga nahawa na ako sa pagiging choleric ni Andreau, gumawa ako ng pros and cons list ng romantic relationship naming dalawa.

Cons: We can never go back if shit hits the fan.

Pros: I love him.

So.. mukhang mas matimbang yung pro kesa sa con, 'di ba?

Of course, this is still up for a discussion with Andreau. That's the trickiest part: to make him talk about his ~feelings~. Well, nagawa naman niya 'yon last time so I think (and pray) na hindi na mahirap sa kanya ulitin 'yon. I don't know if kinausap siya ni Ms. Marisse about do'n. And if she did, I owe her my first born. Hay, sana kinausap siya. He needs someone to talk some sense to him. Hah, ako pa talaga nagsabi no'n ha?

So.. sa kasal ni Ninna ang moment of truth namin ni Andreau. Sobrang go big or go home na 'to for us. Sabi niya hindi magbabago ang feelings niya sa 'kin so I'll hold on to that.

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon