[37] My Favorite Person

215K 4.5K 1K
                                    

Quick AN: Yung Twenty Four na mentioned sa Ch 36 ay ang prologue nitong TSIB. Don't get confused ;)

This is just a filler chapter! Supposedly ipopost ko lang 'to sa Anthology as an outtake kaso I got carried away. After this one.. may shift na. Promise.

**

Chapter 37: My Favorite Person

“Baguio?”

“Nope.”

“Mt. Pulag?”

“Nope.”

“Ilocos?”

Rolling his eyes, Andreau sighed. “Hindi nga.”

“London?” I asked too enthusiastically. Tinanggal ko pa ang seatbelt ko para mas makagalaw ako nang maayos. Andreau just shot me a weird look. “Oh my god. Pupunta nga tayo ng London?”

“Saan mo naman nakuha yan? No, we’re not going to London. Dream on.”

“Aww damn it! Akala ko pa naman sa London na! I even cleared my Tuesday afternoon for this tapos hindi tayo pupunta ng London?!”

“Sa tingin mo ba makakarating tayo ng London gamit ‘tong kotse ko?”

“Duh, everything’s possible! Who knows, baka may built-in wings or jets ‘tong Dodge mo! Or OMG, baka naman TARDIS ‘to! Andreau! Baka ikaw na si Doctor!”

Tawang-tawa si Andreau sa sinabi ko. Badtrip talaga ‘to, medyo seryoso ako dun eh! “Parang ewan ‘to!”

“O baka naman… are you kidnapping me?”

He choked back a laugh. “Kulang ka pa ata sa tulog, Zades. Sabi na sa’yo eh, wrong move na bumalik ka pa sa org mo. Haggard ka na eh.”

Ugh. Here we go again! Two days pa lang kaming magkaayos pero may isang bagay na naman kaming pinag-awayan: ang org ko. Pinipilit niya kasi ako na mag-inactive sa org namin ni Ate Anya since takaw-oras ang activities namin. Hah, kung ako nga lang masusunod magqu-quit na ako eh. Unfortunately, nanghihinayang ako sa contributions ko sa org at gusto ko rin naman ang mga ginagawa namin. Bawal kasing mag-inactive sa’min ng two consecutive sems kaya eto ako, sapilitang bumalik.

Ewan ko ba dito kay Andreau at iritang-irita siya sa decision ko. Wow, hawak niya buhay ko? “Hindi nga kasi wr— wait.. what did you just say?” tumigil ako saglit para alalahanin ang sinabi niya seconds ago. Did he just..

“Hoy! Bastos ‘to!” sinuntok ko siya sa braso, na walang epekto sa kanya. Shit, have I learned nothing? Kahit anong suntok ko sa braso ni Francisco, ako lang din ang masasaktan sa huli. Bakal na ata ‘tong biceps niya sa sobrang tigas! “Excuse me ha pero number one rule sa friendship natin: wag na wag mo akong tatawaging haggard e-v-e-r! Foul sa’ming magaganda ang tawagin non!”

“Whatever you say..” Andreau only gruntled in reply and focused on the road again. Hindi na nga ako nagrereklamo na kanina pa kami nagdi-drive kung saan-saan tapos.. tinamaan na naman ng sapak ‘to!

“Hoy! Say you agree!”

“Only if you promise not to call me cute.”

It really amazed me na isang four-letter word naiirita ang six footer na si Andreau Cortez. Of all words, sa cute pa. At first akala ko ayaw niyang tinatawag siyang cute kasi hello, artista siya at parang hindi sapat ang salitang ‘yon para idescribe siya. I didn’t mind his pleas, though. Pakialam ba niya na gusto ko siyang tawagin non? Kaso it turned out na iritang-irita talaga siya sa salitang ‘yon. How.. cute.

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon