Chapter 31: You Kissed By The Book
I was expecting na big deal para sa Dreausters ang charity ball stint namin ni Andreau. Yung tipong magkakaron ako ng mas maraming bashers, may magpapadala sa'kin ng death threats at of course, isang mahabang article sa Chismis Squad. Hinanda ko ang sarili ko sa mga posibleng panlalait nila sa itsura ko nung ball. Nag-abang din ako ng fans na pwedeng sumugod sa'kin sa campus at ambushin ako.
OA ba masyado? I don't think so. Ibang klase ang fans ni Andreau eh, bumu-borderline na sa obsession minsan. Medyo may natutunan naman ako sa Dreausters Orientation before kaya naghanda na ako kahit paano.
Kaso.. sumobra naman ang paghahanda ko.
Sa lahat ng worst case scenario na naisip ko, ni isa walang nangyari.
I couldn’t believe it. Ba't wala silang violent reaction? Dati nga, binibigyan nila ng ibang meaning yung simpleng pagkain ni Andreau ng ramen sa isang restaurant. O 'di kaya nang-aaway sila ng mga tao na may nasabing katiting na negative comment sa idol nila.
Ba't ngayon na nagkaron ng date sa charity ball ang Prince nila.. wala silang react?
Well, meron naman, kaso 'di kasing severe ng ine-expect ko. Sinearch kaagad namin ni Kesh ang Andreau Zade sa Twitter para malaman yung reactions ng fans sa'min. Ayun, karamihan sa kanila nagulat. Hindi nila inakala na ganun kami kaclose ni Andreau, na aabot pa sa pagiging date niya sa ball. May ilang nanlait ("God, nagpadagdag ba siya ng boobs?" "Medyo flabby yung arms niya ano?" "Sus, ang plain pa rin niya kahit inayusan! Chaka!") at marami-rami namang nagsabing maganda raw ako (At last, gising na rin sila sa katotohanan!). Of course, 'di rin nawala ang Sardreau and Jildreau fantards na medyo nagtampo kay Andreau na 'di yung mga idol nila ang niyaya as a date. Sarap gisingin ng fantards sa mga ilusyon nila!
Pero ang kinasaya ko talaga? Yung article sa Chismis Squad. Believe it or not, kasama ako sa Best Dressed list nila! Tuwang-tuwa si Mars sa article na ‘yon, na para bang hindi niya nilait-lait ang damit ko before the ball.
May ilang tweets din (na galing ata sa isa sa staff or talent manager ng management) ang medyo nagkwento sa mga ganap habang nasa ball:
@jmparedes In fairness, ang cute rin nina Andreau at ng date niya. Para silang may sariling mundo kanina! #promnightangpeg
@jmparedes Ang light ng aura ni Andreau tonight. And he's laughing. Good to see him like this.
@jmparedes Too bad Andreau and his date didn't win the couple of the night! Heard 'twas a close fight. Sayang, gusto ko pa naman sila!
@jmparedes Talked to Zade Pascual earlier. Nice girl. Funny din siya, in fair.
Actually hindi ko nga maalala kung sino siya sa mga nakausap ko. Marami-rami din naman kasi ang kumausap sa’kin that night. Naghanda pa naman ako just in case na mapanis ang laway ko sa pagiging tahimik! Yun na ata ang gabing sobrang daldal ko. What a feat!
BINABASA MO ANG
The Spaces In Between
General FictionThe thing with Valentine's Day is, either you hate it or you love it. And Zade Pascual definitely belongs to the first category. Para sa kanya, isang araw lang ito ng commercialized version ng pag-ibig. Walang kakilig-kilig at napakalayo sa true lov...