[50] The One With The Confession

185K 5.6K 4.8K
                                    

I'm sorry kung hindi ako nakapag-update for two weeks! Back to the weekly updates na tayo starting.. now.

Six chapters to go (epilogue included) yay! ;)

All mistakes are mine. Iginapang ko talaga 'to so... huhuhu


***

Chapter 50: The One With The Confession

As expected, si Mars ang pinaka-apektado sa 'ming tatlo.

"Nilintikan yang chakang yan! Ugh putangina magsama sila ng manager niyang mukhang ulikba!" galit na galit niyang sigaw sabay suntok sa manibela ng sasakyan niya. Good decision na umalis kami sa cafe bago sumabog 'tong si Mars. Kung kanina nacontain pa niya ang emotions niya, ngayon.. parang naging ibang tao na siya. She's so freaking scary! Mas malala pa siyang magalit kesa kay Dan!

"Mars, kalma lang, okay?" Kesh, who was seated on the shotgun seat, said in her mediator voice. "Someone might hear you!"

"Eh 'di putangina marinig nila! For all I care! Leche sobrang panira ng araw!"

Kesh threw me a pleading look, then mouthed, "A little help here!"

Ako pa talaga ha? Marinig nga lang na magmura si Mars nalulunok ko na ang dila ko, ito pa kayang galit na galit siya?! Hindi talaga ako maaasahan sa ganitong situations, lalo na pag galit na ang usapan. At hello, si Mars 'to, hindi siya basta-basta kumakalma. Ni ayaw ko nga siyang hawakan eh, baka mamura pa ako nang wala sa oras!

Taking a deep breath, I said, "Tama si Kesh, Mars. What if may makarinig sa 'yo dyan then ma-Chismis Squad ka pa? Mas lalala pa ang situation pag gano'n, 'di ba?"

Instead of lashing out, Mars just glared at me. "You don't understand, okay? I know, road manager lang ako ni Andreau, and sometimes binabalewala lang ako ng network," she paused, shaking her head. "Pero kaibigan ko rin siya, kagaya niyong dalawa. Fine, mas okay pa sa 'kin kung BI lang eh. Kaso may pictures, Zades. Kitang-kita ang mukha niya. At putangina, hindi na naman nag-iisip yang si Cortez! Si Sarah 'to eh! Nung una pa lang badshot na sa 'kin yang santitang yan. Magkahasang sila nung manager niyang mukhang pera! Gagawa ng issue para sa ano? Mapagtakpan yung blind item nila ni Kraig ha? Puta sobrang user!"

Oh. Oh. She was talking about a Chismis Squad blind item last week. Ang sabi doon, nag-eexpect daw ang isang young actress na magpo-propose ang kanyang long time non-showbiz boyfriend. Obvious daw sa couple na 'to na mas in love ang guy kesa kay young actress, kaya no doubt sa kasalan na ang ending ng dalawa kahit medyo bata pa sila. Positive things kasi ang nadadala ni guy sa image ng young actress, na nakatulong nang malaki sa career nito. Apparently, she'd told her closest friends na sure siyang magpopropose na si guy sa post-Valentines weekend gateaway nila. Her management also took this as a cue for a new career boost since medyo naglie low ang onscreen partner nito.

But much to her dismay, a wedding proposal didn't happen. Instead, the guy broke up with her, saying na hindi na niya kayang pagtiyagaan ang ugali nito. That was the last thing she'd expected him to say. Angry and humiliated, nagwala raw ang young actress sa resort at sinabihan daw si guy na hindi na makakahanap ng babaeng tulad niya. Ayun, sa sobrang inis ni guy, iniwan niya si young actress sa resort.

Giveaway na ang blind item na 'yon. Puro initials ni Sarah ang nasa comments section ng post. Anyway, she didn't even bother to hide from the issue. Todo post pa rin siya ng patama quotes sa Instagram, at Twitter. As expected, halos mamatay sa tuwa ang #SolidSardreau sa break up rumors, lalo na sa bagong post na photos ng favorite loveteam nila together. Finally daw, magkakaroon na rin ng chance na maging REAL ang dating REEL.

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon