[13] Another Day in Paradise

216K 4.8K 869
                                    

Again, a filler chapter! Before anything else, gusto ko lang i-clarify ang pronunciations ng names nina A&Z. Zade is pronounced as Zay-dee, tapos ang Andreau naman ay "Andrew" lang talaga. Haha! 

Then.. ang San Ignacio po ay ficitional place, for me. It was inspired by a place na napuntahan ko this year. And if may katulad siyang place (Hi Diana!), accidental lang yun!

Okay, let's get it on! (BTW, ang daming lurkers ng story na 'to. Hi guys, don't be shy!)

 Check out the external link (right side) for The Alphabet Couple Playlist on Youtube! 8tracks and Dropbox links will be available tomorrow, March 22! :)

#TSIB!

Chapter 13: Another Day in Paradise

I therefore conclude that Andreau Cortez is a choleric.

Ibang-iba siya ngayon compared dun sa immersion thing nila last year. Well, hindi ko naman talaga siya nakausap nun, puro si Roldan na lang, kaya hindi ko talaga alam kung paano siya magfunction as a leader or boss. Nung nagpunta sila dito sa San Ignacio nung summer naman, saglit ko lang sila nakabonding and he was okay.

Pero shit lang, nakakastress si Andreau pag nag-oorganize ng events.

Ano nga ba ang characteristics ng mga choleric na nakita ko kay Big Boss?

doer, likes to lead and are usually good at making decisions, goal-oriented and enjoys  challenges, too bossy, logical, pushes plans through, doesn't explain emotions , can be defensive and prideful, self-confident, self-reliant, private, argumentative..

See what I mean?

December 26 nang tinext ko siya sa sagot ni Nana Tinang tungkol sa plano nila. Of course, pumayag si Nana, lalo na nung nalaman niyang kasama si Ms. Marisse. Naexcite ang barangay namin sa balita na yun. After kasi ng release ng Dagat ng Buhay, may ilang NGOs na ang tumutulong sa fishefolks ng San Ignacio. For them, hero nila si Big Boss. Sosyal lang!

Akala ko hanggang dun na lang ang participation niya sa preparations. I was expecting na may assistant or something na tatawag sa'kin para makipagcoordinate about this. Kaso.. gabi ng December 26, tinawagan niya ako. He sounded very business-like on the phone, boss na boss ang dating. Kung anu-ano ang sinabi niya: head count, allergies, beach party, fireworks, overnight, Gantt Chart (def a choleric move!), games... his list is endless. Pinaulit pa nga niya sa'kin lahat bago niya i-end ang tawag. At least he said goodbye nicely and in an Andreau-like manner.

Ganun din ang drama namin sa mga sumunod na araw. Utos dito, utos dun. Nagpareserve sila ng super daming seafoods para sa beach party. May dumating na ring organizer para magsurvey ng beach front. Beach party pala ang gustong mangyari ni Ms. Marisse dito sa'min! Iooccupy daw ang buong beachfront sa tapat ng bahay ni Nana Tinang para sa party. I was surprised na may invitations pang dala ang organizer, para raw sa 6 na barangay ng San Ignacio. Nakakalula, feeling ko ang daming pupunta dito!

Maliit lang naman ang population ng San Ignacio kaso.. wow. Talagang gagastusan nila 'to para lang magthank you sa mga tao? Ibang klase rin sina Ms. Marisse! Sabagay, last August nagpaparty din sa isang children's hospital si Ms. Marisse para sa birthday celebration niya. Hindi nga lang ako nakapunta dun dahil may midterms ako. Nakakita ako ng pictures and ang dami ngang handa and giveaway para sa mga bata. Mas okay naman yun kesa pinambayad niya sa isang bar yun, di ba? Eh dito kaya sa beach party, magkano ang magagastos nila? Kung mayaman na si Ms. Marisse, I'm sure twice dun si Andreau. Sa dami ba namang endorsements at projects ni Big Boss, kayang-kaya niyang bayaran 'tong lahat!

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon