[20] Saved By The Word

163K 4.6K 941
                                    

Chapter 20: Saved By The Word

At dahil hindi ko kinaya (at kakayanin) ang TMEUAS, I decided na paabutin na hanggang Chapter 23 ‘tong TSIB bago ako magwriting break. Pampatanggal lang ng angst haha!

This is a short one yet.. a turning point. You’ll know why <3

-A&Z-

May instances talaga na bigla-bigla ka na lang makakaisip ng magagandang idea. Tipong nanahimik ka lang sa tabi, nakatunganga tapos.. kebem! Bigla siyang maghe-hello sa’yo. Sabi nila, dun daw minsan nanggagaling ang best ideas.

Yung iba dinadapuan ng ideas habang nagbabasa, kumakain, nasa CR, naglalakad, tumatakbo, nanonood ng kung ano.. basta sa moments na hindi mo inaakalang susulpot yung light bulb.

Ako? Lagi akong may ganyan.

And usually nangyayari sa’kin yan sa panaginip ko.

Maraming books ang inspired by dreams. Of course, every Twilight fan knows na napanaginipan ni Stephenie Meyer ang meadow scene nina Edward at Bella. But did you know that Mary Shelley wrote Frankenstein because of a dream? Bago raw matulog sina Mary Shelley and company ay napag-usapan nila ang possibility ng pagbubuhay ng patay gamit ang electric current. Ayun, hanggang panaginip nadala rin niya ang images ng bangkay at eventually doon niya nakita ang itsura ni Frankenstein. The next day, sinulat niya ang isang short story about that dream. A year after that, she made it into a novel. Sosyal!

So.. anong konek ng Frankenstein sa pinaglalaban ko?

Kasi dahil sa isang panaginip ko.. nalaman ko na ang sagot sa problema ng script ni Andreau.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog (tinapos ko kasi yung War and Peace. Ayoko nang ulitin pa yun!) nang dumating sa panaginip ko yung idea. Ang main problem kasi ng script ni Andreau (I think, na hindi niya pinaniniwalaan) is yung attraction between Tila and Benny. Mailap si Tila sa tao yet gusto siyang lapitan ni Benny. Wala namang ginagawa si Tila. So.. anong attraction dun?

Kinuha ko kaagad ang phone ko pagkagising. I have to tell this to Andreau bago pa mawala sa utak ko ‘to! Kaso.. ang tagal niya bago sagutin. I called him five more times bago niya sagutin ang tawag ko.

“Andreau! You won’t beli—“

“What the fuck!?”

WHOA. I didn’t see that one coming. He just.. screamed and cussed at me. At me. Anong problema nito?

“Bakit ba ang taray mo Andr—“

“Zade. What the hell!?”

Aba.. loko ‘to ah. Sabi niya kailangan niya ng tulong ko tapos umaattitude siya ngayon! Ang kapal ng mukha niya! “Hoy Cortez,” nilakasan ko na ang boses ko. I don’t care kung magising ko man si Kesh. Nakakairita ‘tong Francisco na ‘to! “Pumayag akong tulungan ka pero hindi ko binigay ang rights para murahin mo a—“

He let out a long groan. Ba’t ba sobrang bad trip nito? “You’ve got to be kidding me!” he said angrily. “Ikaw ‘tong nanggagambala! I have the right to be mad!”

“Ano bang pinaglalaban m—“

“It’s 3 fucking AM, Scheherazade! I had a long day at work and school tapos.. God, may orasan naman yang phone mo di ba? Kakatulog ko lang!”

Tiningnan ko ang oras sa alarm clock ni Kesh sa bedside table.

3:08 AM

Triple shit. I’m doomed.

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon