The shortest chapter.. ever (I think). Filler lang 'to since medyo mahabang chapters ang 11 & 12! May updates ng March 11 & 13!
Nga pala, anong kanta ang sa tingin niyo na bagay sa Alphabet Couple (yes, eto na ang tawag sa kanila hahaha!) Comment pag may naisip kayo! <3
-A&Z-
Chapter 10: Unscripted
Two months later…
OCTOBER
“Naku Zade, thank you so much for coming!,” bati sa’kin ni Ms. Marisse pagkabukas niya ng front door nila. “I’m so sorry for the short notice. Wala kasi si Yaya today. May sakit.”
I automatically smiled as I went inside her unit. “Okay lang po! Grabe, namiss ko nga pong pumunta dito eh!” God, parang ang daming nagbago sa loob ng one month na hindi ko pagpunta dito! Namiss ko ‘tong malambot na sofa! Haaaay life!
Last month kasi tumigil ako sa pagtututor kay Tristan. Hey, I wasn’t fired! Nagpunta sila ni Ms. Marisse sa Chicago para bisitahin ang daddy ni Tristan. Every year nilang ginagawa yun, part daw ng agreement nina Ms. Marisse at Sir Shane. See, they’re not married, and wala rin silang planong magpakasal. Hindi kasi naniniwala ang dalawa sa marriage (Weird, I know) and kuntento na sila sa status nila.
Pwede naman siyang magkagirlfriend eh, she told me habang tinutulungan ko siyang mag-empake ng gamit ni Tristan last month. Nagulat kasi ako sa setup nila, akala ko single mom siya! Kaso.. I don’t know about him! Ang daming girls ang nagkakagusto sa kanya dun sa firm nila sa Chicago. Ako naman.. pwede ring magkajowa dito kaso.. kasing edad na halos ni Dreau ang actors ngayon. I’m so not a cougar!
First time kong makarinig ng ganung setup. I was about to drop it when she added, I don’t know.. but that setup works for us. Di ko lang alam kung ganito ba kami forever. I know one day Tristan will ask why are we doing this.. kaso.. it works eh. Tsaka, we’re not the marrying kind. You’ll understand when you’re older, Zade. Don’t think about this too much.
Iba-iba rin talaga ang takbo ng utak ng mga tao pagdating sa relationships, ano? Mukha namang masaya si Ms. Marisse sa arrangement nila ni Sir Shane.. and she’s in love with him. The way her eyes gleamed when she said his name.. hah. What am I even saying? Kelan pa ako naging love doctor?
Anyway, one month nga akong hindi nagtutor. Sakto nga ang timing nun, last month nagkaron ako ng malupit na analysis paper dun sa subject ni Prof Hitler! Makeup project yun para sa paper ko na late kong pinasa dahil kay Andreau. Next time talaga hindi na ako magpapadala sa kakiligan! Ibang klaseng consequences eh! Other than that, umikot ang isang buwan ko sa café at dorm. Yeah, boring.
Tinulungan ko si Ms. Marisse na magbuhat ng malalaking boxes mula sa storage room nila papunta sa sala. Bakit nga ba ako nandito? Tinext ako ni Ms. Marisse kagabi, tulungan ko raw siya na maglagay ng Christmas decors sa unit nila. Sino ba naman ako para tumanggi, di ba? Tsaka miss ko na rin si Tristan!
“Sa Monday na ang finals niyo, right?” tanong sa’kin ni Ms. Marisse habang sinosort niya ang Christmas balls according to color. “Sorry for dragging you here. Dapat nagrereview ka ngayon!”
“Tapos na po akong magreview kagabi. Isa lang naman po ang final exam ko.”
“Naku.. si Andreau kaya?” she muttered anxiously, biting her lip. “Sana naman hindi siya excessive sa ibang subjects niya. Tatlo na nga lang ang kinukuha niya this sem!”
BINABASA MO ANG
The Spaces In Between
General FictionThe thing with Valentine's Day is, either you hate it or you love it. And Zade Pascual definitely belongs to the first category. Para sa kanya, isang araw lang ito ng commercialized version ng pag-ibig. Walang kakilig-kilig at napakalayo sa true lov...