[6] What's In A Name

191K 4.7K 1.5K
                                    


Maraming nagtatanong kung bakit araw-araw akong nag-uupdate ng TSIB pero sa TMEUAS hindi. Gusto ko lang ilabas ang ideas na pinigilan ko for three years kaya sinusulit ko habang masipag pa ako XD

Two chapters tonight! <3

-A&Z-

Chapter 6: What’s In A Name

Two months later..

First week of June

 

“Are you excited, superstar?”

I rolled my eyes at Kuya Lean’s sly remark as we entered the Film Institute’s auditorium. “Superstar ka dyan. Baka five seconds lang ang exposure ko sa docu, don’t expect too much.”

“Aba malay mo ikaw nasa start ng docu! Ang nega mo ata ngayon, Zades.”

Sa bandang likuran kami umupo, doon na lang kasi may available seats. May ilang girls ang napatingin kay Kuya Lean at naghello. He smiled back at them. “I’m cranky okay?” I complained as I gingerly sat on the chair. “Dapat sa Saturday pa ang balik ko! Thank your lucky stars I like you and Ate Anya a lot.”

He chuckled in delight. “Sorry for hauling you back here, Ms. Pascual. Napag-utusan lang ni Commander Casabueno. Magrereport pa ako dun mamaya, noted yang reklamo mo.” Nasa student council meeting si Ate Anya ngayon, siya kasi ang na-elect na vice chairperson last elections. Kung last school year mas madalas kong kasama si Ate Anya, feeling ko mas mapapadalas kong kasama ang goofball/basketball heartthrob na ‘to ngayong sem. Graduating na kasi sila sa April! Ang bilis ng oras!

“Ba’t ba hindi mo iniwan sa sasakyan yan?” he pointed at my large Jansport backpack. “May laman bang ginto yan?”

“Hah, funny. May tinapa ako dito sa bag, baka kasi mangamoy sa kotse mo.”

“So you brought your bag with tinapa inside the auditorium? Unbelievable.”

Next week pa ang start ng first semester (finally, I’m a sophomore!) pero etong sina Kuya pinabalik ako kaagad. May special screening kasi ang entries ng docufest na sinalihan nina Andreau ngayon at dahil walang date si Kuya Lean, pinilit ako ni Ate Anya na samahan siya. Maraming babaeng may rabies dito sa campus, she told me over the phone two nights ago. Mahirap na, baka maulol pa ang boyfriend ko bago ang graduation. Bantayan mong mabuti, okay? Intense, ang dami na talagang nagkakaroon ng rabies dahil sa kagwapuhan ng ilang nilalang!

Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon para sa docu. Halos two months na rin kasi mula nung nagshoot sila sa San Ignacio and we haven’t heard a word about it since. Well, hindi ko naman masisisi sina Andreau, sobrang jampacked ang schedule niya! After matapos ng teleserye nila ni Jillian, may kasunod na naman siyang project, but this time, si Sarah Morales ulit ang kapartner niya. Nakakaawa nga eh, naospital si Andreau last month dahil sa fatigue. Bilib nga ako sa kanya, kahit ganun ang schedule niya, nagawa pa niyang maging hands on sa page-edit ng docu. Sabi ni Ate Anya, right after ng tapings ay dumidiretso raw si Andreau sa apartment nina Gerald at Addie para mag-edit. See, dedication!

Kaya hindi na ako nagulat nang mabalitaan ko last week na nanalo sina Andreau ng first place sa docufest na ‘yun. Tuwang-tuwa sina Nana Tinang at ang buong fisherfolk community ng San Ignacio sa balita! Sinubukan nga nilang ininvite si Andreau para magpasalamat kaso hindi kaya ng schedule ni Big Boss. After pa ng special screening na ‘to magpapadala si Andreau ng DVD copy ng docu, as per contest rules. Actually, kanina pa ako kinukulit ni Nana Tinang thru text. Gawan ko raw ng paraan para makausap niya si Andreau at magpapasalamat daw siya. Mas namiss pa niya ata si Andreau kesa sa’kin!

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon