[3] The Proposal

327K 5.7K 1.3K
                                    

A/N: Had to change the title four times! Eto na talaga yung bagay na title for this one. Thank you so much for reading my new baby. Special talaga sa'kin 'tong The Spaces in Between (originally titled Crash Into Me. Anyareh? Hahaha) dahil three years bago ko 'to nafigure out. Hahaha!

Sana ma-enjoy niyo! This is quite long :)

PS: May familiar character/s dito sa chapter na 'to. If you're reading my other stories.. you'll see! :>

-A&Z-

Chapter 3: The Proposal

Minsan talaga may pagka-OA si Kesh. Sabi niya sa’kin, kaya niya kinuha ang BS Psych ay para maintindihan ang sarili niya. That and herl superb math skills. Ang dami na niyang alam na psych theories and whatnots kahit first year pa lang kami. Paano ba naman, nasa library lang siya pag free time niya nung high school, nagbabasa ng psych books! What a nerd.

Sabi niya sa’kin, isa raw akong sanguine dahil ako raw ay: spontaneous, hogs limelight (I beg to differ!), excitable, extrovert, impulsive, charismatic, confident and not shy. Siya naman yung choleric sa’ming dalawa: OC, bossy, perfectionist, workaholic, organized, visionary, task-oriented, efficient, ambitious and energetic. Hindi ko nga alam kung paano kami nagkakasundo!

8 months ko na siyang roommate and utang ko sa kanya ang survival ko sa university. High school wasn’t that easy for me since every year akong palipat-lipat ng school. Meron naman akong naging mga kaibigan kaso siyempre hindi gaanong nagtagal yun. She’s like my second mom, kahit matanda ako sa kanya ng three months. Lagi siyang nakabantay sa’kin! Thank God, hindi siya masyadong clingy.

Pero may instances na sobrang clingy ni Kesh. For example, kanina nung kinausap ako ni Andreau Cortez at tinakas nila ako ng best friend niya sa trabaho. Yes, tinakas.

Paakyat na ako sa dorm naming nang tingnan ko ang phone ko. Shit, ang daming texts ni Kesh!

Text #1: What the fuck’s going on, Zade? San ka nila dadalhin? Sumali Don’t tell me sumali ka sa win a Vday Date contest with Him!?

Text #2: Parang awa pls magreply ka. Napapraning ako dito. Muntik ko nang mabigyan ng espresso yung buntis kanina!

Text #3: SHIT SCHEHERAZADE PASCUAL WHERE DID THEY TAKE YOU? I know Andreau’s gwapo and all PERO SHIT KA BA’T KA KALADKARIN!!!!!!

Text #4: You know that I didn’t mean to call you kaladkarin. Pero magreply ka or else seryoso na yun

Text #5: Dammit, tuwang-tuwa pa si Sir TJ sa pagtakas nila sa’yo. Walangya talaga ‘tong siraulong ‘to

Text #6: Dumaan dito sina Anya at Lean!!! Where the fuck are you?

Text #7: Fine. Kung kamomol mo na silang dalawa… I hate you. Umuwi ka na sa dorm.

Text #8: Shit. Ibato mo na nga yang phone mong walang load! Nyeta.

She’s really scary. Hay.

Naabutan ko si Kesh na naglalagay ng lotion sa braso niya nang pumasok ako sa room. 10:30 PM na, muntik pa akong maabutan ng curfew.

“Wow, naisipan mo pang umuwi,” she said, pretending to be angry. Hanggang salita lang naman yang galit ni Kesh! “Hinatid ka naman ba nila?”

Humiga ako sa kama at nagtanggal ng sapatos. “Sa kanto lang. Agaw-eksena pa kung dito ako nagpahatid di ba?”

“Dapat sinulit mo na! Baka hindi na maulit yon!”

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon