[9] 72 Seconds With You

208K 4.5K 1K
                                    

Gusto ko lang magthank you sa pagbabasa niyo ng The Spaces In Between! Kinakabahan talaga ako sa magiging reaction niyo sa kwentong 'to. Thank you for your time! <3

Attached here is the pronunciation of Scheherazade. Right side, Youtube video! Alam kong curious kayo! #TSIB pala sa Twitter for the lurkers hahaha :)

-A&Z-

Chapter 9: 72 Seconds With You

Two months later

August

 

Last year, I’ve developed a love-hate relationship sa August. Mababaw lang naman ang mga dahilan ko: maulan at gitna na ng sem ang buwan na ‘to. Excited ang ibang students dahil two months na lang before ang sembreak. Ako? Hindi masyado. As if  may pupuntahan naman ako sa one month break na yun.

Two months went by so fast. Ang dami pang nangyari sa loob ng dalawang buwan na ‘yun: I turned 17 last July, nagpadala ng package si Mima, umuwi ako saglit sa San Ignacio for Nana Tinang’s birthday, pasadong scores sa mga first exam at syempre, ang tutor thing ko with Tristan. Everything’s doing great! Nakakainspire tuloy gumawa ng mga bagay bagay!

“Uhmm.. Kuya Lean? Ba’t nga pala tayo nandito?” I asked him as we entered this small grocery store outside the campus. Sinundo niya ako sa last class ko kanina para sabay na kaming pumunta sa org meeting ng 7:30 PM. I’m not really sure kung bakit tumigil kami dito sa grocery na ‘to. Nakabili na siya ng snacks ah?

Sinundan ko siya sa isang familiar na aisle. Oh gosh, seriously?

“Nangangailangan si Commander eh,” sabi niya habang kumukuha ng dalawang pack ng sanitary napkins mula sa shelf. Grabe, hindi ba siya naaawkwardan sa ginagawa niya? Kasi ako.. oo! Ako pa ang nagbublush kesa sa kanya!

He caught me staring at him, and laughed at my perplexed expression. “Don’t judge me. I’ve been doing this for two years already.”

“I-isn’t that.. weird?” I murmured, too embarrassed to say more. Siya ang first guy na nakilala ko na hindi nawiweirduhan sa sanitary napkins at menstruation. Nung elementary kasi, pinagtatawanan ng mga kaklase kong lalaki yung mga friends ko na may menstruation na, lalo na pag may tagos. Tapos nung high school naman, puro eeeww ang sinasabi ng ilang boys sa lesson about menstrual cycle na. Bumili pa nga sila ng napkin sa tindahan para makita kung anong itsura nun. Males.

“Sanayan lang, Zades. Tsaka takot ko na lang na hindi siya bilhan nito. She’s been so hormonal since yesterday.” Casual niyang nilapag sa may cashier ang sanitary napkins, na ikinagulat ni Ateng Cashier. Sarap sanang picturan nito, si Leandro Abarquez, basketball player, bumibili ng sanitary napkins para sa girlfriend! Hilarious!

Umuulan na nang dumating kami sa tambayan ng org namin malapit sa Arki building. We saw Ate Anya waiting for us by the door, nakatitig pa sa cellphone niya. 7:25 pa lang, hindi pa kami late!

“Yan!” Kuya Lean called her. Tinaas pa nito ang plastic bag na may laman na napkin. “Nandito na nap—“

Ate Anya rushed to us and grabbed the bag from him. “Thank you so much ba’t hindi ka nagrereply sa texts ko,” she hurriedly exclaimed before planting a quick kiss on his lips. “Pay you later.” Nagmamadali na siyang tumakbo papunta sa CR.

Whoa, PDA level to the max na ba ‘to? Ganito ba talaga sa college, bigla na lang naghahalikan ang couples sa public? Unbelievable. Ibang-iba talaga si Ate Anya pag kasama niya si Kuya Lean, mas approachable at relaxed siya. Ugh, wag kang mainggit, Zades! Baby ka pa!

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon