Chapter Summary: Mars played Cupid. Zade asked the right questions. And Andreau.. he blamed the Romans.
Author's Note: Hullo! I'm very very sorry about the 2 month delay! Dapat nung January 27 ko pa 'to ipopost kaso pabalik-balik ang lagnat ko these past few days so... damn. Endorser na ako ng Bioflu ngayon.
Anywaaaaay.. this is just a filler chapter.. na hindi ko alam kung bakit umabot ng 15.9k words (this a/n and summary not included). Medyo ficlet style ang scenes ng update na 'to, plus mostly conversations so I'm very sorry about that. Hindi ako nanood ng OTWOL ng tatlong linggo para sa chapter na 'to so.. hahaha walang konek nagkukwento lang.
Warning: presence of entirely Hollywood hospital situations in this chapter. Hindi pa ako nakakapag-New Year sa Baguio so I kinda made things up. Sorry for the inconsistencies! Sana magustuhan niyo po and salamat sa paghihintay! <3
**
Chapter 44: Of Hospitals and Traditions
Wala talagang magandang naidudulot ang phone calls ni Mars sa 'kin. As in.
I'm not saying na malas sa buhay ko si Mars. In fact, it's the opposite. Kahit lagi akong binabara at nilalait ng babaeng 'yon, ramdam ko naman ang care niya para sa 'kin. Lalo na kapag pinagtatanggol niya ako kay Andreau! Tiklop kasi si Francisco sa road manager niya. Siya lang ang kilala kong kayang-kaya na prangkahin si Andreau, and goodness, wag mo nang atimin na malait ni Mars. Durog ang pagkatao mo.
But her phone calls, though. Sobrang panira talaga ever.
Remember what happened nung first (and probably the last) time niya akong tinawagan? Ayun, nasampal ko si Andreau tapos naganap ang pinakamalalang away namin ever. At that time medyo nadala rin ata si Mars sa pagtawag niya sa 'kin at dinaan na lang ako lagi sa text kahit sobrang importante na ng ganap. Siguro natakot siya sa sampal ko sa alaga niya. Aba, masakit talaga akong manampal. (Takot ko na lang na sampalin siya ano? I've seen her punch Roldan a couple of times at mukhang masakit. Baka maknockout ako no'n if ever. No thanks.)
Akala ko talaga 'yon na ang pinakahuling phone call sa 'kin ni Mars. Nagkaron na kasi kami ng deal na ifo-flood na lang niya ako pag may super emergency, kahit ilang texts pa 'yon, basta wag na wag na wag lang niya akong tatawagan.
Kaso.. si Mars 'to, ang babaeng ayaw pakabog at dapat nagpapasabog kahit anong mangyari. Gusto niya nasa kanya ang huling halakhak kaya eto, tumawag siya sa 'kin.
At December 31 pa talaga.
**
Actually, I didn't remember much from her phone call. Sobrang inaantok pa ako nung tumawag siya sa 'kin around 7 am; nagmarathon kasi ako ng BBC Sherlock the night before. Sinagot ko lang ang tawag nung inakyat na ako ni Nana Tinang sa kwarto. Apparently nagising ang mga bagets sa kabilang kwarto dahil sa ingay nitong phone ko.
Hindi pa gising ang diwa ko no'n ah. Pagalit ko pang sinagot yung tawag. Aba, ang aga-aga tapos mangagambala ka ng tulog? Bastos.
"Hello? Sino ka ba? Ang aga-ag--"
"PUTANG INA TEH NASAN KA SINUGOD SA OSPITAL ANG BABY KO!!!!!!"
Saglit ko pang inalayo ang phone sa tainga ko. Shit, sino ba 'tong sumisigaw kaaga-aga!? "Huh? Wrong numb--"
"SCHEHERAZADE PASCUAL SINUGOD SI ANDREAU SA OSPITAL ANO BA!!!!!!!!!!!!!!"
Doon ko lang tinignan ang phone screen ko. Triple shit, si Mars.
"Huh?" I replied dumbly. Ayaw tanggapin ng utak ko ang mga sinabi niya. That couldn't be true.. right?
"Zade," medyo choppy ang kabilang linya pero rinig ko na parang naiiyak na si Mars sa kabilang line. First time 'yon ah. "Nasan ka ba.. kinakabahan na ako rito pwede ka ba ulit umakyat ng Baguio? Si Andreau kasi.." then.. she bursted out crying. Another first for the day.
BINABASA MO ANG
The Spaces In Between
General FictionThe thing with Valentine's Day is, either you hate it or you love it. And Zade Pascual definitely belongs to the first category. Para sa kanya, isang araw lang ito ng commercialized version ng pag-ibig. Walang kakilig-kilig at napakalayo sa true lov...