Pasasalamat

8.6K 134 2
                                    

Nais ko pong iparating ang aking taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod:

Sa Ating Poong Maykapal, na siyang nagbibigay sa atin/ akin ng mga biyaya at oportunidad upang maibahagi sa iba ang aking kakayahang maglahad ng mga storya o kwento , sa pamamagitan ng pagsulat.

Sa Aking mga Magulang na walang sawang sumuporta sa akin sa anumang oras at panahon.Ang taong nagsakripisyo upang matugunan ang aming mga pangangailan.Sila ang pinakamahalagang bagay na dumating sa buhay ko.

Sa aking mga magiging bagong kaibigan sa mundo ng Wattpad, taga-suporta at sa mga mambabasa sa buong Pilipinas,at sa iba't-ibang sulok ng mundo: Nais ko pong iparating sa inyong lahat ang aking taos-pusong pasasalamat , sa lahat ng pagsuporta at pagmamahal na ibinibigay ninyo sa akin at sa lahat ng aking nilikhang storya. Sana po ay hindi kayo magsawang sumuporta at sa pagtatangkilik sa aking mga storya at sa mga magiging storya pa lamang .

Sa inyong lahat na naging daan at inspirasyon ko sa buhay upang maipagpatuloy ang angking talento sa pagsusulat ng kwento at maibahagi sa inyo.Nawa'y pagpalain at gantihan kayong lahat ng Panginoon ng biyaya para sa inyong ginawa at gagawin pa lang sa akin at sa iba.

Mysterious Section [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon