Chapter VI: Confused

2.9K 74 1
                                    

"Guys!Anong oras na?!Hindi pa rin bumabalik si Erica !?Ano nang gagawin natin?" Nagaalalang wika ni Diana sa mga kaklase sabay turo nito sa kanyang relo.

"Balikan na kaya natin siya?Tutal wala naman tayo teacher ngayon" Singit ni Mia sa usapan.

Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi ni Mia pero mas piniling magpaiwan nila Louisse, Chuck, Kira, Carol,Mavy at Allen.

"Kami na lang ang magpapaiwan dahil baka mawala ang mga gamit dito"Pagpapaliwanag ni Carol.

Tumango na lamang si Mia bilang sign ng oo.

Tuluyan nang umalis sila Mia kasama ang iba.

Nang makababa na sila Ashley ay nagtungo kaagad sila sa restroom na pinasukan kanina ni Erica.

Inikot ni Ashley ang doorknob pero napansin niyang nakalock ito.

"Erica!Buksan mo itong pinto!"sigaw ni Ashley pero wala silang narinig na sagot nito.

Naisipan nila Xian,Chris at Ken na sirain na lamang ang pinto.Sabay-sabay binangga ng mga binata ang pinto at walang anu-ano'y nasira na nila ito.

Napatigil ang lahat ng makita nila ang walang buhay na si Erica.

Nakatali ang paa't - kamay nito na humuhugis ng pa- X , wak-wak ang tyan nito at laglag ang mga laman loob nito .

Nagmistulang kulay pula ang loob ng Restroom na kanina'y puti.

Napatakip ng bibig at ilong ang lahat dahil sa nakakasulasok na amoy nito habang ang iba ay umiiyak dahil sa nasaksihan.

"Sino ang gumawa sa kanya nito?!" Mangiyak-iyak na wika ni Criza .

"Ako ang may kasalanan nito,kung hindi ko siya iniwan mag-isa ,eh hindi sana siya namatay!"Singit ni Ashley .

Niyakap naman siya ni Julian para icomfort ito.

"Wala kang kasalanan Ashley,Wag mong sisihin ang sarili mo" Bulong nito kay Ashley.

"Chris ,Carlos at Ivan,ipaalam ninyo ang nangyari sa punong-guro."Wika ni Trixie sa mga binata.

Tumango naman sila at agad sinunod ang utos ng kaklase.

"Kailangang may maiwan dito para magbantay"Singit ni Martin sa usapan.

"Magpapaiwan ako" dagdag ni Kevin .

"Maiiwan kayong dalawa dito at babalik na kami sa klase ." Wika ni Trixie.

Tuluyan na ngang naghiwalay ang landas ng dalawa.

--------

"Ang tagal naman nila!Ano na kayang nangyari?"wika ni Kira sa mga kasama.

"Manahimik ka na lang Kira at hintayin sila." Sagot ni Carol sa kaklase.

Tinarayan na lang ni Kira si Carol dahil sa sinabi nito.

"Tayo na lang ang nandito sa Hallway." Ani ni Mavy.

"Masaya nga iyon diba?!Makabasag pinggan ang katahimikan." Dagdag ni Chuck suot ang nakakalokong ngiti.

"Chuck!itigil mo nga yang kaweirdohan mo!" Pabalang na sagot ni Carol sa kaklase.

"Stop it na guys"

Inutusan ni Carol si Louisse na isara muna ang mga pinto ng pansamantala habang hindi pa dumarating ang iba nilang kaklase at sinunod naman iyon ni Louisse.

Isasara na sana ni Louisse ang pinto ng may biglang sumulpot na tao sa harapan nito nakamaskara ito ng panghalloween .

Napaupo naman si Louisse sa gulat.

Tinanggal ng taong nakita ni Louisse ang maskara at nakita nila na si Sirley lamang ito at halatang tuwang-tuwa sa pagbibiro sa kaklase.

Tumayo si Louisse sa pagkakaupo at tinulak si Sirley dahilan para mapaatras ito.

"Your'e not funny" Nanggigigil na wika ni Louisse sa kaklase.

"Eto naman parang niloloko ka lang." wika ni Sirley suot ang nakakalokong ngiti.

Mysterious Section [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon