----
Kumatok si Criza at inikot ang doorknob."Ohh,nandyan ka na pala. " wika ni Tristan habang nagce-cellphone.
"Ayy,hindi,nasa labas pa po ako.Haha!" maarteng wika nito at nilagay ang kamay sa bibig at umaktong maarte.
Inismid na lang siya ni Tristan.
Napansin niyang abala si Louisse sa pagbabasa ng isang libro sa sulok at halatang kilig na kilig.
Naisip niyang gulatin ito. Unti-unti siyang lumalapit dito.
"Isa..."hakbang nito."Dalawa..."sunod nito at bigla nitong ginulat ang kaklase.
"Aaahhh!"
Nahulog ito sa kinauupuan kaya naman nagsitawanan ang lahat.
"Ano ka ba!" Sigaw nito at tumayo at inayos ang sarili.
"Ohh! Sorry."Maarteng wika nito.
"Ano ba kasi yang binabasa mo at kilig na kilig ka." wika nito sa dalaga sabay silip sa librong hawak ng kaklase.
"Basta,wattpad yan oh." wika ng dalaga.
"Talaga?Patingin naman" natatarantang wika ni Criza.
"Sige..."wika ng dalaga at ngumiti.
"Talaga?Salamat!"tuwang-tuwang wika nito.
"Pero sa isang kundisyon!"dagdag nito.
"Ano naman yun?!"tugon nito at yamot na yamot.
"Ibibigay mo sakin un number ng secret admirer mo."dagdag nito at ngumisi.
"Hmm?"
"Hmm?Sige na nga,pero wag mong aagawin ah!"
"Oo naman..."Wika ng dalaga at iniabot ang libro.
Habang abala ang lahat ay kumatok naman si Patrick at Shisuka habang hawak-hawak ang cake na naka-kahon pa.
"Ohh!Delicious!!"wika ni Allen at halatang takam na takam.
"Opps!wait lang!"awat ni Shisuka sa kaklase.
Inilapag nito ang cake sa mesa at binuksan.
Lumapit dito si Carlos at hinati ang cake at ibinigay sa mga kaklase.
"Uhmm!Ang sarap!"takam na wika ni Cassy at sumubo pa ng isa.
"Oo nga,di mo man lang sa amin sinabi na marunong ka palang magbake."singit ni Ashley sa usapan.
"Talaga?Haha, Salamat!" Nakangiting wika ni Shisuka.
Habang nagkakatuwaan ay napasin ni Sirley na tulog pa sila Julian at Chris.
"Hayy,naku!Tulog pa yun dalawa dun sa sulok oh,tulo laway pa,Hahaha! " biro ni Sirley at nagtawanan ang lahat.
"Ohh, parang kulang tayo?"wika ni Patrick habang nakatayo sa gitna..
"Huh?Oo nga noh!Napansin ko din."Dagdag ni Carlos.
"Pa-paraang wala si Chuck?"singit ni Trixie.
"Baka naman nagmuni-muni sa labas,babalik naman un dito."singit ni Sophy at pinagpatuloy ang pagkain ng cake.
Kibit balikat na lang ang iba at nagpatuloy sa pagkain.
Someone's POV
"Haha!Hindi niyo alam na nababawasan na kayo!Ituloy niyo lang ang kasiyahan at mauubos ko din kayo!"Wika nito sa sarili at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Mysterious Section [COMPLETED]
Misterio / SuspensoPaaralang may tinatagong madilim na sikreto. Isang sikretong sisira sa buhay ng mga studyante ng 1st Section. Makakaligtas pa ba sila sa bangungot na darating sa buhay nila o mamamatay din tulad ng iba?! Humanda ka, baka ikaw na ang isusunod!