---
Agad na sinenyasan ni Sandro ang iba na tumakbo at maghanap ng maaaring ipanglaban.
Tumakbo ang lahat sa kabilang kwarto na nakakonekta mula rito.
Nang makalabas ay nakita ang taong nakamaskara na pilit pa ring binubuksan ang pinto.
Nagkahiwa-hiwalay sila ng habulin sila nito.
Sina Martin at Ashley na tumakbo palabas ng masyon ay nahiwalay kanila Sophy at Sandro na tumakbo naman papunta sa kusina na kasalukuyang hinahabol ng taong may palakol.
Tumakbo sina Martin at Ashley palabas ng mansyon.Ngunit bago nila ito mabuksan ay nagulat sila sa nakasalubong.
Si Kevin.
"Kevin!"sigaw ni Ashley at agad na
Inalalayan ang sugatang kasamahan sa paglalakad.
Puno ito ng galos at nakahawak ito sa kanang tagiliran habang halata rin dito ang pagdurugo ng ulo na tila hinampas ng matigas na bagay ."A-anong nangyari sayo?!"
"Sino may gawa sa'yo n'yan?!"
Sunod-sunod na tanong ng dalawa sa binata ngunit mga paalala lamang ang binitawan nito.
"S-si Shannah,nasa panganib siya"
"Tumakas na kayo "
"N-naghihiganti SIYA,SILA..." nagmamadali niyang sabi at nagbitaw ng mga huling salita.
"Pakisabi kay Shannah"
"Mahal na mahal ko siya" tumulo ang luha nito sa dalawang pisngi ngunit pinipilit ang pagngiti.
Tumulo ang mga dugo sa bibig sabay ng pagtanggal ng palakol sa ulo nito.
Nakita nila ang taong nakasuot ng maskara at talsik ng mga dugo sa maskara at katawan nito.
"I'm back!" At nasundan ng malakas na paghalakhak.
BINABASA MO ANG
Mysterious Section [COMPLETED]
Mystery / ThrillerPaaralang may tinatagong madilim na sikreto. Isang sikretong sisira sa buhay ng mga studyante ng 1st Section. Makakaligtas pa ba sila sa bangungot na darating sa buhay nila o mamamatay din tulad ng iba?! Humanda ka, baka ikaw na ang isusunod!