Chapter XXVII:Ashley is endangered

831 16 0
                                    

       "Naiwan ko atang nakabukas ang ilaw o kaya'y may nagbukas ng ilaw?" wika nito at napagawi sa kabinet na pinagtataguan ng dalaga.
   
       Napalunok si Ashley ng marinig ang sinabi nito.
  
         "Nasaan na ba ang listahan ng papatayin ko?Hahaha!"

        "Lagot.."bulong ni Ashley sa sarili.
   
         "Bakit wala ata dito?" Wika nito ng halungkatin ang kahon na nakalagay sa ilalim ng lamesa.

    "Hay naku!Baka naman naiwan ko sa ibang lugar,o kaya may kumuha nun!" Wika nito suot ang nakakalokong ngiti  at tumingin sa kabinet.

     "Oh?Anong hinahanap mo?" Wika ng isa pang tao.

     "W-wala naman."

     "Kanina pa kita hinahanap."

       "May gagawin pa tayo."dagdag nito.

      "Ah,ganon ba?Sige Halika na."

     "Tok!" Tunog ng pinto na isinara.

     Napasilip si Ashley at nakita ang isang pocket knife na nakalagay sa lamesa at inilagay sa bulsa ang mga nakuhang bagay.

    Nang mapansin na wala na ito ay agad siyang kumaripas ng takbo at bumalik sa mga kasama.

     "Bwiset!Sabi na nga ba at ikaw yun!"
Wika ng dalaga sa sarili at tuloy pa rin sa pagtakbo at napahinto ng mapagod ito.
 
    "Oh!Ashley,hingal na hingal ka ata?" Wika ni Trixie sa kanya na kakalabas lang ng cr.

     "Ahh?wala-wala natakot lang ako kasi madilim doon eh" Palusot ni Ashley at agad nagpaalam.

      Tumakbo ang dalaga palabas ng mansion at dumiretso kanila Tristan.

     "Ohh?Nagmamadali ka ata?" Wika ni Chris sa dalaga habang inaayos ang ginagawa nito

      "Wala naman" matipid na sagot nito.

  "N-nasaan si Martin?" Nagmamadaling wika ng dalaga.

    "Nandoon sa kwarto niya malapit diyan sa hagdan."wika ni Tristan.

     "Sige." Matipid na sagot ni Ashley at agad pinuntahan ang kaklase.

***
     "Tok!Tok!Tok!"katok sa pinto ng kwarto ni Martin.
      "Bukas!"
        "Martin!"tawag ni Ken sa binata sa kwarto nito.

     "Oh?May kailangan ka ba?" Tugon ni Martin sa binata at agad isinara ang laptop  habang nakaupo sa kama at may sine-search sa laptop nito.
      "Pwede mo ba akong matulungan sa pagaayos ng mga gamit?"
       "O sige," wika ng binata at agad inilapag ang laptop nito sa kama.
       "Pasensiya ka na ah?hindi ko kasi kaya kung mag-isa lang ako eh." Paumanhin nito sabay kamot sa batok.

        "Blag!" Tunog ng pintong isinara at patuloy ang dalawa sa paglalakad sa corridor.

          "Tok!Tok!"katok mula sa labas ng kwarto ni Martin.
           "Martin?!" Wika ni Ashley at natataranta sa pagkatok.
            "Martin,buksan mo 'to!" Wika sa isip ng dalaga.
             "Tak!tak!tak!" Mga yapak na naririnig ng dalaga mula sa likuran nito.
            "S-sino yan!?" Matapang na sigaw ni Ashley kahit na nakakaramdam ng takot.
               "M-may tao ba jan?!" Matapang na sambit uli ng dalaga at pinagpatuloy ang pagkatok.
                "Martin!Buksan mo 'to!" Wika ng dalaga habang kinakatok ang pintuan ngunit katulad kanina ay wala pa ring sumasagot.
                 Nagulat ito ng biglang magbukas ang pinto at natumba ito.
                "Aray!" Wika ng dalaga at napakamot sa ulo matapos mauntog sa sahig.
                "Ang tanga kasi eh." Wika nito at tumayo at hinanap muli ang binata.

Mysterious Section [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon