Chapter XXXVII : Past

541 8 0
                                    


"Shit!"  

     Ayan lamang ang nasabi ni Kevin habang tinitingnan ang  umaapoy na sasakyan ng mga kaklase.

"Umalis na tayo dito, mamamatay na tayo!" natatarantang sambit ni Cassy at agad pumasok sa loob.

    "Cassy !" Akmang susundan siya ni Sirley pero pinipigilan niya ng kaklase.

      "Let her " sambit nito habang nakapaikot ang mga braso at nakataas ang kilay.
 
      "Soon,she will die..." Nakangiti ito at tila nangaasar sa bawat halakhak na binibitawan nito.

***
6:00 PM

Nananatiling tahimik ang lahat habang ang  iba naman ay  nagkwe-kwentuhan.

  "Bat kaya niya ginagawa 'to?" sambit ni Shannah sa katabi nitong si Cassy na ikinagulat naman ng dalaga.

     "Baka, trip niya" walang emosyon na wika ni Tiffany habang tinitingnan ang mga kuko.

       "Tss, baka dahil sayo." Singit ni Sirley  at  agad na tumawa na tinarayan naman siya ni Tiffany pabalik.

      Patuloy ang asaran ng dalawa habang sina Kevin at Patrick ay nagpaalam naman na magbabanyo muna.

      "Makapagpahangin nga muna sa labas" Tumayo si Ashley at nagunat unat.

***
Nagpapahangin sa labas  si  Ashley at nagikot-ikot.Ngayon lamang niya napansin na may Hardin ang mansyon.Malawak,maganda ,puno ng bulaklak.Pero may kulang ,malungkot.

Napagdesisyunan nito na maglakad-lakad at pumitas ng mga bulaklak.

    Naalala niya muli ang mga ala-ala sa mga bulaklak na hawak niya ngayon tulad ng masasayang alaala noon.

***

"Halika dito, daliii!" sambit ni  Ashley habang nagmamadaling pumili ng mga souvenir sa isang malapit na souvenir shop sa kanilang hall sa Baguio.

  May camping kasi sila noon sa Baguio, sumama si Ashley dahil na rin sa mataas na dagdag para sa extra cullicular ,running for honors kasi ang dalaga dahil na rin sa mga allowance ng dati niyang school.

   "Ano ba gusto mo diyan?" Nakangiting wika ni  Spade sa kanya, Mistiso,Matangkad, Gwapo,Matalino at Mayaman.

     Halos perpektong lalaki na kung mapapansin si Spade.Best friends sila ng dalaga ngunit nahuhulog na ang loob nito sa kaibigan.

      "Bakit?bibili mo ko?" Nakapout si Ashley habang nagpapacute para ibili ng kaklase.

Mysterious Section [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon