Prologue

8.6K 157 0
                                    

Isang paaralang may tinatagong madugong sikreto sa harap ng maraming tao..

Misteryo na babasag sa katahimikan ng lahat.

Misteryong babago sa buhay nila.

Makakaligtas ba sila sa darating na peligro sa buhay nila o mamamatay din tulad ng iba.

Handa ka na bang tuklasin ang tinatagong sikreto ng (1) Cream Section...

Magsisimula na ....

-------

Chapter I

Sumapit na ang buwan ng Hunyo,Ito ay patunay lamang na malapit na naman ang pasukan.

Iba't-ibang paaralan ang nagsimula nang magbukas.

Isa sa mga paaralan ito ay ang St.Paul's Academy.Isa ito sa pinakasikat na paaralan sa lugar na iyon,Kaya naman nagunahan na ang mga studyante na mag-enroll sa nasabing paaralan.

Nagkita-kita muli ang magkakaklase sa (1) Section Cream Section.Tinawag itong Cream section dahil pili lamang ang mga napapabilang dito.

Pinagsama-sama dito ang mga magaganda,mayayaman,
popular o sikat na mga mag-aaral, kaya naman tinitingala ang mga kabilang sa section na ito.

"It's nice to see you again,Guys!" Sigaw ni Cassy na may maarteng tono.
"It's nice to see you too Cassy!" Sagot naman nila,Cara,Sophy .

Sila ang tinaguriang "Beauty and the Brains".

"By the way ,Bakit hindi niyo man lang ako tinext during vacation, nagtatampo na tuloy ako".Singit ni Cassy sa usapan habang naka-pout.

"Hay naku! Cassy,Itigil mo na nga yan kaartehan mo at baka ma-late na tayo sa klase." Sagot ni Cara sa kaibigan habang suot ang ngiting pang-asar.

"Mabuti pa't umakyat na tayo sa classroom natin bago pa kayo magkainitang dalawa" Wika ni Sophy sa mga kaibigan at tumango na lamang ang iba bilang pagsang-ayon.

Habang paakyat ang magkakaibigan ay bilang nagpaalam si Sophy na bibili ng pagkain sa canteen.

"Guys! Nagugutom na ako bibili muna ako sa canteen ."Paalam ni Sophy.

"Ako rin,nagugutom na rin ako eh" sagot ni Cassy sa kaibigan habang hinahalungkat ang gamit sa kanyang sling bag.

"So...Ako na lang maiiwan." Wika ni Cara habang nakaikot ang kanyang mga braso.

"Sumama ka na kaya malapit lang naman yung Canteen".

Tumango na lamang si Cara bilang senyas ng oo .

Dali-daling pumunta sa Canteen ang magkakaibigan dahil baka ma-late na sila sa klase.Makalipas ang ilang minuto ay dumiretso na sila sa kanilang klase.

Habang paakyat sa hagdan ang magkakaibigan ay may napansin si Sophy na kabinet na madalas ay nilalagyan ng mga panlinis ng janitor na may mantsa kulay pulang likido.

"Guys!Ano yun?"

"Kabinet malamang" Biro ni Cara sabay tawa. Natawa naman si Cassy sa sinabi ng kaibigan .

"Alam ko! Pero napapansin niyo ba un kulay pulang likido dun" sagot ni Sophy.

"Oo nga noh.Dugo ba yun!?" Wika ni Cara na nakaramdam ng takot ng makita niya ang mantsang iyon.

"Knowing guys?Tinatakot niyo lang ang mga sarili ninyo"walang emosyong wika ni Cassy.

Nakaramdam na rin ng kaba at takot sila Cara at Sophy kung ano nga ba ang laman ng basurahang iyon.

"Cara,tingnan mo nga kung ano 'yon." Pakiusap ni Sophy sa kaibigan pero tinanggihan siya nito.

"Ayoko nga ! Natatakot ako!"

"Guys! Mabuti pa wag na siguro nating pansinin kung ano pa ang nasa loob ng kabinet yan.Pumasok na tayo sa klase baka ma-late na nga tayo."

Singit ni Cassy sa usapan. Ngumiti at tumango na lamang sila Sophy at Cara bilang pagsang-ayon sa kaibigan.

Habang papaalis ang magkakaibigan ay hindi nila alam na may taong nagmamatyag sa kanila ng patago.

Mysterious Section [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon