Chapter:XVI:Blood

1.2K 41 2
                                    

Habang abala at masaya ang lahat sa kanilang ginagawa ay may biglang kumatok mula sa pinto.

Nakarinig sila ng tatlong katok.

Nagtinginan sila at parang may nararamdaman na hindi maganda.

"Ahh,Ako na ba magbubukas?" Pambasag na wika ni Ashley sa katahimikan.

Aaktong tatayo siya mula sa kanyang kinauupuan ng pigilan siya ni Xian.

"Teka lang!Parang may nararamdaman akong hindi maganda."seryosong wika ni Xian habang nakatingin sa pintuan.

"Ano ka ba Xian,Ang KJ mo."maarteng wika ni Emily habang kumakain ng cake at naka dequatro pa ang paa.

   "Parang di babae" bulong ni Tiffany dahil sa pagkakaupo ng dalaga.

Hindi na ito pinansin ng binata, ngunit bubuksan na ni Ashley ang doorknob at inikot ito.

Tahimik ang lahat at hindi magawang magingay.

"Ahhh!!"sigaw ng dalaga at napaupo.

Naglingunan ang lahat sa dalaga at nilapitan ito.

"B-bakit?"tanong ni Shisuka sa dalaga habang nakahawak ito sa balikat, tinuro lang ni Ashley ang pinto at pinaupo na ito ni Julian sa upuan.

Unti-unting binuksan ni Shisuka ang pinto at nakita ang nakabiting katawan ni Chuck na nakatahi ang mata't-bibig at tanggal na ang mga piercing nito at tuloy ang pagdaloy ng dugo na para bang ilog na patuloy ang pagdaloy.

Sumigaw ang lahat at natakot sa nakita.Tumakbo si Carlos at Chris papunta sa mga nurse.

"T-tulungan niyo po kami..." nagmamadaling wika ni Carlos habang nakaturo sa lugar ng kwarto nila.

"A-ano pong room nila?" Natatarantang wika ng nurse at agad kinuha ang telepono nito.

----
"Ano bang nangyayari dito!Bakit tayo iniisa-isa!"sigaw ni Trixie habang paikot-ikot at hindi mapakali sa mga nangyayari.

"Obvious ba ?Hindi mo ba nakikita na nauubos na tayo?!" Naiiritang wika ni Tiff.

"Paparating na un mga pulis."singit ni Louisse sa usapan habang binabasa ang text mula kay Chris.

Nawala naman agad ang init ng ulo ni Tiff at umupo sa tabi ng kinahihigaan ni Mia.

"Tiff,bakit ba tayo ginaganito?Ano ba atraso natin sa kanila?"wika nito habang nakatingin sa dalaga.

"Ewan ko,Hindi ko na alam ang gagawin ko."wika nito at napatingin sa kaklase.

Habang nauusap ang iba ay saktong dumating ang mga pulis at tinanong ang buong nangyari.

Inilipat na muna ng ibang kwarto si Mia para sa kaligtasan.

Pumayag naman ang mga ito at patuloy na pinaiimbestigahan ang nangyaring krimen.

3rd Person's POV
"Ohh,Two down,Let's see who's next!
Hahaha!"

Mysterious Section [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon