Nasa loob na ng klase ang lahat ng studyante.
"Ang ganda-ganda niya talaga."Wika ni Kevin sa sarili habang nakaalumbaba.
"Ppsstt!Nanaginip ka ng gising jan ah!" Biro ni Diana sa kaklase.
Nagulat naman si Kevin sa inasal ng kaibigan,kababata niya kasi itong si Diana.
Magkaibigan kasi ang mga magulang nila.
"Hu-h?hi-ndi ah?May iniisip lang ako."tugon ni Kevin.
"Sino si Shannah?"dagdag ni Diana habang naka- ngiting pag-asar.
Hindi naman nakapagsalita si Kevin dahil nahihiya ito na malaman ng kanyang kaibigan na may gusto siya kay shisuka.
"Aminin mo na.Alam ko namang may lihim na pagtingin ka kay Shannah"
"Pa-paano mo na-laman?"
"Hmm?Siguro na -sense ko lang " Biro nito sa kaibigan.
"Siya kasi ang may natatanging ganda dito sa klase natin, kaya naman halatang maraming nagkakagusto sa kanya"
"Siguro nga,Hanggang pangarap na lang ako sa kanya" Tugon ni Kevin habang nakayuko.
"Ano ka ba?!Marami pa namang ibang babae sa mundo, malay mo nasa tabi mo lang pala siya"
Itinaas nito ang ulo ni Kevin mula sa pagkakayuko at niyakap ang kaibigan.
Nagulat at napaluha si Kevin sa ginawa ng kaibigan kaya naman niyakap na rin niya ito.
***
"Girl!Ang gwapo niya oh!"Wika ni Shisuka kay Kira na hatalang kinikilig.
"Super!!Sinabi mo pa!Siya kasi ang Campus Heartrob!" Tugon ni Kira.
"Akin na siya!" Sagot ni Shisuka sa kaklase na may maarteng tono.
"Hati na lang tayo!" Sagot ni Kira na halatang kinikilig na rin.
"Sige!Basta sakin ang ulo!"wika ni Shisuka habang natatawa.
"Oo ba! Akin na ang katawan."sagot ni Kira at humalaklak na nga.
"Parang ang saya-saya niyo ata?" Tanong sa kanila ni Emily.
"Wala ka na dun,Girl!" Sabat ni Kira na halatang iniinis ang kaklase at tuloy pa rin sa kakatawa.
"Bahala nga kayo sa Ka-weirdohan niyo" Wika ni Emily at tuluyan na ngang umalis.
Maya-maya'y dumating na ang kanilang Adviser at agad sinimulan ang klase.
"1st Section! Bubunot kayo ng numbers at itatago niyo ito." Wika nito at agad sinimulan na ang palabunutan.
Nagsimula ito kay Allen at natapos kay Trixie.
"24!Favorite number ko!" Wika ni Ashley.
"01 naman sa akin" Wika ni Louisse.
"13?! Ang malas naman oh!" Tugon ni Tiff na may pagiinarte.
"Mam!" Sigaw ni Sandro at nagtaas ng kamay agad naman itong tinawag ng guro at tumayo.
"Yes?What is your question, Mr.Concepcion?"
"Para saan po itong mga numero na nabunot namin?"
"Ahh..Ehh..Un mga numero ba kamo? Itago niyo lang iyan at...." Sagot nito.
"at?Bakit po kayo tumigil?"Sunod-sunod na tanong nito sa guro.
"Tama na ang masyadong maraming tanong!" napataas ang tono nito ng pagsasalita kaya naman biglang tumahimik ang buong klase.
"Pasensya na kayo,marami kasi akong inaasikaso."Paumanhin nito sa mga studyante.
Ilang sandali lamang ay may narinig ang lahat ng studyante mula sa speaker, Isa itong announcement mula sa principal.
"Magkakaroon ng lakbay-aral ang ating paaralan sa darating na ika-13 ng Hunyo taong kasalukuyan."
Excited na ang lahat ng studyante ng paaralan sa narinig mula sa speaker.
"I can't wait for that day!" Wika ni Cassy sa mga kaibigan.
"Basta tabi-tabi tayo ah" Tugon ni Sophy.
"Oo ba!" Dagdag ni Cara.
BINABASA MO ANG
Mysterious Section [COMPLETED]
Mystery / ThrillerPaaralang may tinatagong madilim na sikreto. Isang sikretong sisira sa buhay ng mga studyante ng 1st Section. Makakaligtas pa ba sila sa bangungot na darating sa buhay nila o mamamatay din tulad ng iba?! Humanda ka, baka ikaw na ang isusunod!