Chapter V: Demon's Face

2.8K 80 3
                                    

Unti-unting may lumabas na misteryosong tao mula sa cubicle.Isang taong punong-puno ng dugo ang damit at may hawak itong kutsilyo.

"Anong kailangan mo sakin?" Pabalang na tanong ni Erica sa misteryosong tao,pero hindi ito sumagot.

Napaatras si Erica sa takot at muling kinalampag ang pinto halos maiyak na si Erica sa takot habang patay-sindi ang ilaw ay ang paglapit nito kay Erica.

Napaupo at nagtakip ng mukha si Erica dahil sa nararamdamang takot at kaba .

Nang makalapit na ito kay Erica ay bumulong ito

"Ang buhay mo ang kailangan ko!" Bulong nito kay Erica.

Nakilala ni Erica ang boses at napadilat.

"Kilala ko ang boses na iyon.Hindi kaya siya ang pumatay sa natagpuang bangkay sa basurahan?" Sumilip si Erica pero wala na ang taong nagpakita sa kanya kanina.

Tatayo na sana siya ng bigla siyang napaupo dahil may nakatali sa paa niya at unti-unti siyang hinahatak papunta sa huling cubicle.

Pilit kumakawala ni erica mula sa pagkakatali pero hindi niya magawa dahil mahigpit ang pagkakatali nito sa kanya hanggang makita niya ang misteryosong tao na hinihila nito ang taling nakakabit sa paa ni Erica at tuluyan na nga nitong napasok si erica sa cubicle at isinara ang pinto.

Maya-maya'y may lumabas mula sa restroom at siniguradong walang sinuman ang nakakita sa kanyang plano at tuluyan na ngang pumasok sa klase na para bang walang nangyari at nakihalubilo sa kanyang mga kaklase.

"Nabawasan na ang 1st Section.Sino naman kaya ang susunod" Bulong nito sa sarili na may suot na matamis na ngiti.

Mysterious Section [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon