Chapter XXXIX: Horrid

509 8 0
                                    

Natulala ang lahat , nananatili silang nakatayo habang nakatingin sa walang buhay na katawan ng dalaga.

   Nagkatinginan lamang sina Martin  at Sandro na nangungusap sa mga mata na ituloy na ang plano nila.

   Lumapit si Martin sa katawan ng dalaga ngunit pinigilan siya ni Ken. Tumango lamang ang binata at binitawan din ang braso nito.

    Aalis na sana siya ng makita ang tila makinang na bagay mula sa kanang bahagi  ng katawan ng dalaga kung nasaan kinuha ang puso nito.

    Singsing.

     Isang singsing na may nakaukit na itim na rosas na tila nakapulupot sa paligid ng singsing.

    Napaisip ang binata kung sino ang nagmamay-ari n'on.

     "AAAAAHHH!"

     Isang napakalakas na sigaw ang narinig ng lahat mula sa loob ng mansyon.

Agad na isinilid ni Martin ang singsing sa kanyang bulsa at agad na tumakbo papasok ng bahay kasunod ang iba pa nito kasama.

---

Nakatayo ang lahat sa loob ng bahay at nakita ang nakabiting katawan ng kasamang si-

     Chris.

     Nakabigti ang binata ng patiwarik at nakababa ang ang kamay.Tila nakabaligtad na 'krus' ang posisyon nito.Puno ng saksak ang katawan nito habang tumutulo pa ang mga dugo nito sa sahig.

      "DEMONYOOOO !"sigaw ni Tiffany at pilit na ibinababa ang katawan ng binata.

      Tinulungan siya ni Sirley na ibaba ito at agad na niyakap ito ng dalaga.

  "Mga demonyo sila...Mga hayop!"

   Patuloy pa rin ang paghagulgol ng dalaga at basang-basa na ang dalawa nitong pisngi sa mga luha na tumutulo rito.

  Blaaag!

Nagulat ang lahat sa malakas na pagkalabog ng pinto mula sa kanilang likuran.

  Pilit nilang binubuksan ang pinto ngunit nakasara na ito.

    Napatingin sila sa hagdan na makikita ang isang taong nakamaskara na nakatayo sa hagdanan, kita lamang dito ang kalahati ng katawan habang  nakatago ang kalahati nito sa dilim.

    "Guys,Takbo ! TAKBOOO!"sigaw ni Sandro at agad namang nagsitakbuhan ang mga kasama sa iba't-ibang lugar ng bahay.

    Nananatiling nakaupo si Tiffany habang kayakap ang walang buhay na katawan ng binata.

     "TIFFANY,HALIKA NA!" pagmamadali ni Ken ngunit hindi siya pinakikinggan nito.

      "Iwanan mo na ako, Wala na ring saysay ang buhay ko..."

       "Ano ka ba?!Halika naaa!"

       Patuloy na hinihila ng binata ang dalaga hanggang sa sumama na rin ito.

      Napahinto ang binata at muling tiningnan ang nakatayong taong nakamaskara sa hagdanan.Diretso pa rin ang tingin nito sa pintuan kung saan ito nakatingin kanina.

     Hindi ito gumagalaw at nilapitan ito.Hinawakan naman ni Tiffany ang kamay nito upang pigilan.

     "D'yan ka lang"bitaw na salita ng binata at lumapit sa sinasabing nakaitim na maskara.

Mysterious Section [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon