" I'll gonna kill you bastard!" Sigaw ni Ken habang hawak ang pocketknife na kinuha niya kanina bago mamatay ang ilaw.
" Really?Can You?" Sambit ng mga Boses at sa paghalakhak nito ay sinabayan ng malakas na kulog.
"I really can!"
*Toooot*
Biglang nagvibrate ang cellphone ni Ashley at nagtaka sa kanyang nabasa
***
From: Unknown
" We bear the grins of the smiling dead"
***
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Ashley habang binabasa ang mensahe nito.
"Aaaaahhhhhh"
Agad nitong binuksan ang flashlight sa cellphone nito at itinapat kung saan niya narinig ang sigaw.
Napahinto siya ng mahagip nito ang isang taong nakamaskara na nakatalikod sa kanyang posisyon habang hawak ang isang kutsilyo .
Dahil sa sobrang takot ay napaatras siya ng biglang lumingon sa kanya ito at lumikha ng malapad na ngiti sa mukha.
***
"Chris?Tiffany?Trixie?""Nasaan kayo?" Sigaw ni Martin habang paikot ikot at hawak ang swissknife na kinuha niya sa kabinet ng kanyang kwarto.
Napadpad siya sa kusina ngunit ng marinig niya na parang may naguusap.Nagtago ito sa gilid ng refrigerator at hinanda ang sarili.
"Papatayin ko silang lahat"
Kilala niya ang Boses na 'yon ngunit naguguluhan siya kung siya nga ba ang killer.
" Itigil na natin to' ayoko na"
"T*nga ka ba?!Hindi matatapos ang larong ito!" Agad na isinuot ang maskara at agad na umalis.
"The past is never dead,Its' not even past"
Ang mga katagang binitawan nito ang nagbigay ng lubos na pagtataka kay Martin upang lalong ayusin ang nagulong sinulid ng sectiong ito.
Ang mga buhay nila ay tila nasa isang sinulid , na hindi nila Alam kung kanino ang mapuputol at kanino ang magbubuhol.
***
Nananatiling nakatayo si Ashley na may halong takot at kaba sa dibdib."Hindiiii..."bulong ni Ashley sa sarili ngunit bago pa siya makatakbo ay may humampas sa kanyang ulo na naging dahilan ng kanyang pagkahimatay.
Lumapit sa kanya ito at agad na hinawakan ang dalawang pisngi ng dalaga.
" Death smiles at us all , all a man can do is smile back"
Pagkatapos nito ay agad itong umalis at naiwan ang dalagang walang malay.
BINABASA MO ANG
Mysterious Section [COMPLETED]
Misterio / SuspensoPaaralang may tinatagong madilim na sikreto. Isang sikretong sisira sa buhay ng mga studyante ng 1st Section. Makakaligtas pa ba sila sa bangungot na darating sa buhay nila o mamamatay din tulad ng iba?! Humanda ka, baka ikaw na ang isusunod!