PROLOGUE

428 7 1
                                    


"H-hindi! H-hindi m-maaari! 'Wag sya!" Hysterical na sabi ni Divine sa sarili. Nakatingin siya ngayon sa kabilang bahagi ng kalsada kung saan nakatayo ang taong kilalang kilala niya kahit ngayon ay wala itong ulo.

"Divine, tara na!" Pukaw nito sa atensyon niya.

"'Wag kang aalis sa kinatatayuan mo! Hintayin mo ako!" Ganting sigaw ni Divine dito ngunit tumawa lang ito at kumaway sa kanya bago magsimulang tumawid sa kabilang kalsada.

Tatakbo na sana si Divine sa taong iyon nang may humawak sa kanyang braso. Lumingon siya sa may-ari ng kamay at nakita niya ang babaeng nakaputi.

'Siya na naman!'

"Bitiwan mo ko!" Sigaw ni Divine at nagpumilit na makawala.

Sa isang kisap-mata ay naglaho ang babaeng nakaputi kaya nadapa siya sa sahig.

Dinaklot ng takot ang puso niya nang makarinig ng goma na kumiskis sa kalsada at malakas na lagabog. Lumingon siya sa kabilang kalsada kung saan nanggaling ang malakas na ingay.

"Hindi!" Hysterical na sigaw ni Divine saka siya napahagulgol ng iyak. Hindi niya kayang makita ang nasa harap niya ngayon kaya yumuko siya.

'Hindi ko din sya nailigtas... Kasalanan ko to eh... Kung hindi sana ako nagyaya n'un... Hindi na sana nangyari pa ito...' Naisip ni Divine.

Natigil siya sa pag-iyak nang may makita siyang isang pares ng mga paa sa harap niya.

"Ang mamamatay ay mamamatay... Hindi mo p'wedeng pigilan iyon..." Anang babaeng nakaputi at naglaho na ito na parang bula.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote and Comment is Much Appreciated.

Exemplum De Morte: Warning Of Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon