Eleven

138 6 0
                                    


Divine's POV

Pinagmasdan ko ng maigi ang mga kaibigan ko habang nasa loob kami ng van.

Anim...

Anim na lamang kaming natitira. Parang kailan lang ay kumpleto pa kami. Ang sakit-sakit lang. Ang sakit mawalan ng kaibigan. Ang sakit isipin na hindi mo alam ang dahilan kung bakit nangyayari ito.

Napaayos ako nang upo nang tumigil na ang sasakyan. At dahil nasa dulo ako nakaupo kasama ang nobyo kong si Spencer ay kaming dalawa ang pinakahuling lumabas ng van. Pagkalabas ko ay agad kong napansin ang napakaraming tao sa may tent na may ilaw sa 'di kalayuan.

"Kung hindi ako nagkakamali tapat iyan ng tindahang pinagbilhan natin nu'ng isang araw." Sabi ni Cloud sabay tingin sa akin.

Noong isang araw pa ba iyon? Napakabilis ng oras. Tumango ako. "Pero bakit napakaraming tao yata sa kanila ngayon?"

"Hindi ko rin alam." Sagot ni Cloud.

"Tara! Alamin natin!" Sabi ni Spencer.

Magkahawak ang kamay na nauna kami ng lakad ni Spencer papunta sa tindahan. Sumunod naman ang mga natitirang kaibigan namin. Medyo malapit na kami nang makita kong tinuro kami ng isang babae sa isa pang babaeng nagse-serve ng mga tinapay at mga kape sa mga tao. Kung hindi ako nagkakamali ay siya 'yung anak ng matanda, 'yung tindera.

Mabilis na inilapag ng babae ang kanyang hawak na tray sa pinakamalapit na lamesa at nagmamadaling pumasok sa loob ng kanilang bahay. Habang palapit kami ay lumalakas ang kabog ng aking dibdib dahil sa isang bagay na pumapasok sa akimg isipan.

Paglapit namin...

Nakumpirma ko ang aking hinala na isang burol ang nagaganap ngayon sa harap ng tindahan. Burol ng matandang nakausap namin ni Cloud nu'ng isang araw.

"P-patay na siya..." Nanlulumong wika ko.

"God! Paano na tayo ngayon nito?" Halos mag-hysterical na sabi ni Keisha.

"Sino na ang tutulong sa atin?" Ganu'n din si Cloud.

"Tara na, umalis na tayo! Nauubos ang oras natin!" Anyaya ni Timothy.

"Mag-isip na tayo ng paraan kung ano ba ang dapat nating gawin para wala nang mamatay ulit sa atin." Segunda ni Marcus.

"Tama si Marcus, guys!" Sabi naman ni Spencer.

Tumango na lamang kaming tatlong babae at sabay-sabay na kaming lumakad pabalik sa malaking bahay. Ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa namin nang...

"Sandali lang!"

May nagpatigil sa amin. Paglingon namin, mabilis na naglalakad palapit sa amin ang anak ng matanda. May hawak siyang isang nakatiklop na papel.

Kumunot ang noo ko nang biglang nanlaki ang mga mata niya at patakbong lumapit sa amin. At ang ikinagulat ko pa ay bigla niya kaming binigyan ng tig-iisang sampal.

"Bakit ka ba nananampal!" Asik ko sa kanya habang hawak ang nasaktang pisngi.

"Problema mo ba!" Reklamo din ni Cloud.

"Kapal naman ng mukha mo para sampalin kami!" Lumabas ang katarayan ni Keisha dahil masakit talaga ang malutong na sampal.

Ngunit ikinagimbal namin ang mga sumunod na sinabi ng tindera:

"Pasensya na kung sinampal ko kayo. Nakita ko kasi kayo na walang ulo!"

Nanindig ang mga balahibo ko sa aking narinig. Naalala ko ang nangyari sa matandang lalaki na nakita ko din na walang ulo. "A-ate a-ano po bang ibig sabihin 'pag na-nakita mo ang isang tao na w-walang u-ulo or w-walang m-mukha?"

"Ang mga taong nakitaan ng walang ulo o walang muka ay nasa bingit ng kamatayan." Sagot ng tindera. Lalo akong nangilabot sa sinabi niya. "Kelangan silang tapikin o sampalin para 'di matuloy ang naghihintay na disgrasya sa kanila."

"Maraming salamat po!" Sabi ko.

"Bakit n'yo nga ho pala kami tinawag?" Tanong ni Marcus.

"Para ibigay sa inyo itong liham." Sagot ng babae sabay abot sa akin ng isang nakatuping papel, iyon mismong hawak niya kanina. "'Yan ang sulat na nakuha sa ilalim ng bangkay ni Faith. 'Yung babaeng sinasabi sa inyo ng aking ina na nagpakamatay sa malaking bahay."

"Ano po ba ang ikinamatay ng inyong ina?" Lakas-loob na tanong din ni Cloud.

"Ang lakas-lakas n'ya pa po nu'ng nakita namin siya nu'ng isang araw." Dugtong ko.

Biglang lumamlam ang mga mata ng babae.

"Nu'ng araw na kinausap n'yo siya ay ang araw ng kamatayan niya." Malungkot na sabi ng tindera.

"Ho? Ano ho ba ag nangyari?" Gulat na tanong ko.

"Nasabi ko na ang pinagagawa sa akin. Kayo na lamang ang tumuklas kung bakit. Masasagot ang lahat ng katanungan n'yo ng liham na iyan."

Pagkasabi niyon ay tumalikod na sa amin ang babae at nagsimula ng maglakad palayo. Pagkatapos ay huminto para lumingon sa amin. Tiningnan ako nito tapos ay tumungo.

"Higit na ikaw ang dapat magbasa n'yan, Divine!" Sabi nito sabay lakad palayo sa amin. Naiwan naman akong nakanganga sa sinabi nya.

Bakit ako?

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote and Comment is Much Appreciated.    

Exemplum De Morte: Warning Of Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon