Fourteen

126 5 0
                                    



Divine's POV

Pagkatapos namin kumain at magpahinga sa burol ay bumalik na ulit kami sa van.

"Tuloy mo na." Sabi ni Timothy sa akin.

Tumango ako at binuklat na ulit ang napakahabang liham.

...Kinagabihan ay naghahanda na akong matulog nang makarinig ako ng kalabugan sa katabing kwarto. Natatarantang tumakbo ako sa kabilang kwarto nang marinig ko ang nakakabinging sigaw ng aking kapatid. Pagbukas ko ng pintuan ay napasigaw ako nang makita ko ang itsura ng aking kapatid. Ang kanyang katawan ay parang taling pinagbuhol-buhol, ang kanyang mga mata ay nakabukas ngunit wala na ang kanyang eye balls at ang kanyang bibig ay nakatabingi, nakanganga na tila nasa kalagitnaan ng sigaw nang mawalan ng buhay. Nakarinig ulit ako ng kalabog sa kabilang kwarto at malakas na sigaw ng paghihinagpis ng aking isa pang kapatid. At muli'y pagpunta ko doon ay ganu'n ulit ang aking nadatnan. Dalawang beses pang nangyari ang ganu:n at halos mawalan ako ng ulirat nang makita ko ang aking dalawa pang kapatid na nakabigti sa kisame ng kanilang kwarto. Agad na tumakbo ako sa kwarto ng aking mga magulang. Nadatnan ko sila na mahimbing na natutulog ngunit nang lapitan ko sila ay napahagulgol ako lalo ng iyak nang malaman ko na malamig na bangkay na din sila. Nanlulumong lumabas ako ng kwarto ng aking mga magulang. Nataranta ulit ako nang marinig ko ang sigaw ng dalawa ko pang kapatid sa may unang palapag ng aming bahay. Nagmamadaling bumaba ako ng aming hagdanan ngunit pagbaba ko, muli'y napasigaw ako nang makita kong nakabigti ang aking dalawang kapatid sa chandelier namin sa sala. Agad naman akong napatingala sa itaas ng aming hagdanan nang tawagin ako ng isa kong kapatid. Dalawa na lamang kami ng aming bunso ang natitira. Nakita ko siyang hawak sa leeg ng babaeng ginagaya ang aking mukha. Nakiusap ako na 'wag niyang sasaktan ang aking bunsong kapatid ngunit nakakapangilabot na tawa lamang ang kanyang tinugon sa akin saka sinabing, 'ANG MAMAMATAY AY MAMAMATAY! NGUNIT HAHAYAAN KO SIYANG MABUHAY KUNG...

Nakakunot-noong inayos ko ang papel at binaliktad pa iyon ngunit wala na talagang kasunod dahil halatang sinadyang punitin ang karugtong niyon.

"Kung...?" Nabibitin na sabi ni Spencer.

"Ano na Divine? Ano na ang kasunod? Akin na nga 'yan!" Inis na sabi ni Keisha sa akin sabay hablot ng liham.

"Babe, ano ba!? Kanina ka pa!" Naiiritang sita ni Timothy kay Keisha.

Ngunit tinaasan lang ito ni Keisha ng kilay at sinipat-sipat na ang liham.

"What the f*ck! Hindi naman pala 'to buo eh! Walang kwenta!" Naiinis na sigaw ni Keisha at nanggigigil na pinagpupunit-punit ang liham.

"Keisha ano ba? Bakit mo pinunit ang sulat!" Naiinis na sigaw ko sa kanya.

"DAHIL WALANG KWENTA!" Sigaw din niya sa akin.

Literal na nanlaki ang mga mata ko nang makita kong wala siyang mukha. Gusto ko mang sabihin ngunit parang may nakatakip sa aking bibig at hindi ako makapagsalita.

"ANG SABI NUNG BABAE AY MASASAGOT NG PESTENG LIHAM NA IYAN ANG MGA KATANUNGAN NATIN! EH BAKIT PUTOL 'YAN? AT MAS LALO LAMANG DUMAMI ANG MGA KATANUNGAN SA ATING ISIPAN!" Sigaw muli ni Keisha.

Paiyak na siya kaya agad siyang yinakap ni Timothy ngunit kumalas agad siya at biglang lumabas ng van.

"Keisha!" Magkapanabay na sigaw namin ni Timothy.

Akmang lalabas na sana sina Timothy at Marcus pero hindi nila mabuksan ang mga pintuan.

"Guys! Anong nangyayari?" Naiiyak na tanong sa amin ni Cloud.

"Bakit hindi natin mabuksan ang mga pintuan!?" Nagpapanic na tanong ko.

"Pwede b--"

Pinutol ng malakas na sigaw ni Keisha ang iba pang sasabihin ni Timothy. Lahat kami ay naalarma at tinuon ang aming pansin kay Keisha.

Sa 'di kalayuan sa may harap ng aming van ay nakita namin si Keisha na naglalakad ng paatras ng dahan-dahan. Animo'y may mabangis na hayop sa kanyang harapan. Binubuksan namin ang pintuan at ang mga bintana ngunit hindi namin mabuksan. Hanggang sa mapasandal na si Keisha sa harap ng aming van.

"KEISHA!!!" Sigaw naming lima. Umiyak na lumingon siya sa amin.

"KEISHA! BABE PUMASOK KA NA SA VAN!" Umiiyak na sigaw ni Timothy.

"KEISHA! MAKINIG KA! TUMAKBO KA SA MAY BUROL! MARAMING TAO DOON! HINDI NAMIN MABUKSAN ANG MGA PINTUAN NG VAN!" Sigaw ko din kay Keisha.

Pero umiiyak na umiling siya sa akin.

"Paalam, guys!" Umiiyak na sigaw niya. "Mahal na mahal kita, Timothy! Paalam babe!"

"Babe no! 'Wag mo 'kong iwan! Babe mahal na mahal kita!" Umiiyak din na sigaw ni Timothy at halos magwala na sa loob ng van.

Lalo pa siyang nagwala dahil sa sinabi ni Cloud. "Guys parang walang naririnig at nakikita ang mga tao sa lamay sa kalagayan natin ngayon."

Halos manlumo kami nang mapansin din namin iyon. Patuloy pa rin namin binubuksan ang mga pintuan at bintana. Pumuwesto na din ako sa tabi ni Timothy.

Ngunit lahat kami ay napahinto at shock na napatulala sa may harap ng van...

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote and Comment is Much Appreciated.

Exemplum De Morte: Warning Of Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon