Kakasikat pa lamang ng araw ay isang malakas at nakakarinding tili ng isang babae ang bumalabog sa mga taong taga-roon sa lugar na iyon. Dahil sa isang babaeng ngayon ay nakabigti sa harap ng isang malaking bahay.
"May nagpakamatay na naman." Umiiling na sabi ng isang ginang.
"Hindi ba't isa siya sa mga kabataang dumayo dito at basta na lamang pumasok sa malaking bahay na iyan katulad ng mga dating pumunta diyan na namatay din." Sabi ng isang babae sa mga katabi na agad namang nagsipagsang-ayunan.
"Kaawa-awang bata." Umiiling na komento ng matandang lalaki.
"Ang hirap naman kasi sa mga dayo, basta na lamang pumapasok sa mga abandunadong bahay. 'Yan tuloy ang napapala." Napapailing na wika naman ng isang dalaga.
"Oo nga." Patangu-tangong pagsang-ayon ng isa pa.
"Alam n'yo wala naman tayong mapapala dito eh. Umuwi na nga tayo!" Sabi pa ng isa at nauna nang maglakad. Sumunod naman ang mga kasama nito.
"Divine..." Nakangiting wika ng isang dalaga habang nakatingin sa babaeng nakabigti sa harapan ng malaking bahay. "Sabi ko naman sayo... Mamamatay kayong lahat."
Inilabas niya mula sa kanyang bulsa ang isang punit na papel.
"Iyan ang karugtong ng liham ni Devonne." Napalingon ang dalaga sa nagsalita sa kanyang tabi. "Bakit mo iyan pinunit, Alliyah? Imbis na makaligtas sila ay hinayaan mong mamatay silang lahat."
"Hindi na kailangan Inang!" Sagot ng dalaga.
"Hanggang kailan ka maghihiganti sa pagkamatay ng iyong pamilya? Hindi ba't bago nagpakamatay ang iyong ate para mabuhay ka ay isinulat nya na kailangang pabendisyunan ang bangkay ni Faith at sunugin ang malaking bahay para matahimik na ang kanyang kaluluwa. Ngunit ano ang iyong ginawa? Hindi mo sinunod ang nakasaad sa sulat at hinayaan mong maraming madamay sa galit ni Faith. Samantalang alam mo sa simula't sapul na ang iyong pamilya ang may kasalanan kung bakit hindi matahimik ang kaluluwa ni Faith." Mahabang litanya ng isang ginang sa dalaga.
"Tama ka Inang! Sina lolo nga ang dahilan kung bakit namatay ang pamilya ni Faith." Sang-ayon ni Alliyah.
"Ngunit bakit hindi mo sila tinulungan?" Tanong ng ginang.
"Dahil ang mamamatay ay mamamatay." Makahulugang sabi ni Alliyah. Pagkasabi ng mga katagang iyon ay umalis na siya.
Umiiling na tiningnan na lamang ng ginang na umalis ang dalaga.
"Pasensya na Divine. Hindi kita natulungan. Kayo ng mga kaibigan mo. Kailangan pa ako ng mga anak ko. Ayokong madamay sa galit ni Faith." Naluluhang mahinang wika ng ginang at nanlulumong umalis sa tapat ng malaking bahay.
------
Alliyah's POV
"Hi 'Ma, 'Pa, mga ate at mga kuya. Kamusta na kayo d'yan? Ang daya n'yo. Hanggang ngayon ay hindi n'yo pa rin ako kinukuha." Umiiyak na wika ko habang hawak ko ang isa sa mga family picture namin. "Sorry nga pala ate Devonne kung hindi ko sinunod ang iyong utos sa akin. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin matanggap na wala na kayo. Na patay na kayong lahat. Na hindi ko na kayo makakasama pang muli."
Sa sobrang sikip ng aking dibdib ay hindi ko na pinigilan pang humagulgol ng iyak habang hinahaplos ang aming family picture. Umiiyak na humiga ako sa aking kama.
"Sunduin n'yo na 'ko please." Umiiyak na wika ko. Ilang minuto pa akong umiyak hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Vote and Comment is Much Appreciated.
BINABASA MO ANG
Exemplum De Morte: Warning Of Death (COMPLETED)
HorreurBeing a teenager, ADVENTURE is all what we wanted and CURIOSITY in everything is eating us. Pero paano kung mapasobra ang ating pagiging mausisa sa lahat ng bagay? YOU CAN RUN BUT SHE WILL GO AFTER YOU. Enjoy reading.