Three

188 6 1
                                    



Divine's POV

Pagkapasok namin sa mansion ay kinilabutan na agad ako nang dumampi sa aking balat ang malamig na hangin. Nagsi-taasan din ang mga balahibo ko sa batok.

"Geez! Ang creepy naman dito." Sabi ni Krystelle.

"Maglagay muna tayo ng mga CCTV sa bawat sulok ng malaking bahay na 'to habang maaga pa." Utos ni Timothy.

"Maaga pa? Hapon na po kaya!" Nakakunot-noong sabi ni Lenessia.

Nagtawanan kaming lahat maliban kay Sky.

"Oo, Lenessia, alam niya. 'Wag kang masyadong literal." Iritang sabi nito.

"Palagi ka na lang inis sa akin." Mahinang sabi ni Lenessia na nagnguso.

"Uy guys! Tama na nga 'yan! Nagkakapikunan na kayo, oh!" Awat naman sa kanila ni Syvil.

"Tara na nga! Mag-umpisa na tayo." Singit ni Keisha.

"Teka, kain muna tayo." Sabi ni Cloud.

"Kain na naman!" Sabi naman ni Marcus.

"Kakakain lang natin kanina ah!" Dugtong ni Drew.

"May sawa ka siguro sa t'yan!" Sabi na naman ni Marcus.

"Tama na nga 'yan guys! Ako na ang sasama dito kay Cloud!" Natatawang sabi ko.

"Yehey! Tara do'n sa tindahan, Divine!" Masayang sabi ni Cloud na lumapit sa akin.

"Sama ako!" Humakbang si Lenessia papunta sa amin.

"Hoy! 'Anong sama ako'! Tara du'n sa taas! Magkakabit tayo ng CCTV doon!" Pigil dito ni Sky.

Tututol pa sana si Lenessia pero hinila na agad siya ni Sky papuntang ikalawang palapag. Naiwan kaming natira na natawa na lang sa ginawa nila.

"Alam n'yo, guys, feeling ko may gusto si Sky kay Lenessia." Sabi ni Krystelle.

"Kaso manhid si Lenessia." Sang-ayon ni Drew.

"Ang hirap din naman kasi ang mag-assume." Komento ni Syvil.

"'Wag kasing bitter." Parinig ni Jino sabay tawa ng malakas.

"Siraulo!" Sabi ni Syvil na binatukan si Jino.

"Naks! Nawala sina Sky at Lenessia, sila naman ang pumalit." Tudyo ni Spencer sa kanila. Napahinto naman ang dalawa at sabay na tumingin kay Spencer.

"OVER MY DEAD SEXY BODY!" Sabay nilang sabi.

"Woah! Kalma lang! 'Di po lalaban!" Natatawang sabi ni Drew habang nakataas ang dalawang kamay.

Napuno ulit ng tawanan namin ang unang palapag ng malaking bahay. Mayamaya ay kinalabit ako ng katabi ko.

"Tara na, Divine!" Sabi ni Cloud.

Magkahawak ang kamay na tinungo namin ang pintuan palabas ng malaking bahay.

"Alam mo... Kanina ko pa nahahalata si Timothy na pinagmamasdan ka ng maigi." Sabi ni Cloud habang palabas kami ng gate.

"Huh?" Takang tanong ko.

"Hindi naman 'yung malagkit." Paglilinaw ng kaibigan ko. "Basta! 'Yung tingin na parang may kung ano sa 'yo. Hay naku! Hindi ko maipaliwanag!"

Awkward na tinawanan ko na lamang siya.

"Alam mo, gutom lang 'yan! Bumili na nga tayo!" Sabi ko at nagpatiuna nang pumunta sa may tindahan.

"Pabili po!" Bungad ko sa tindera.

"Iha! Mag-ingat ka... Kayo ng mga kaibigan mo!"

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isang matandang babae na nakaupo sa may gilid ng tindahan.

"Ho?" Itinuro ko pa ang sarili ko.

"Ang grupo n'yo ang pumasok sa malaking bahay na iyon 'di ba?" Paniniguro ng matanda sabay turo sa malaking bahay sa 'di kalayuan. "Ang bahay na 'yun ay puno ng misteryo. Wala na nangangahas na pumasok d'yan dahil lahat ng pumasok d'yan ay namamatay sa loob o 'di kaya ay sinusundan ni Kamatayan."

"Ano ba 'yan, Manang!" Natatawang sabi ni Cloud na nasa tabi ko na pala. "Tinatakot n'yo naman ang kaibigan ko!"

"Hindi ako nagbibiro, iha." Seryosong sabi ng matanda.

"Ano ho bang meron d'yan sa bahay na 'yan?" Tanong ko.

"Walang nakakaalam..." Sagot ng matanda. "Ang alam namin ay isang araw, natagpuang patay ang nag-iisang babae na nakatira doon. Patay na lahat ng kanyang pamilya kaya mag-isa na lang siya sa buhay. Natagpuan ang kanyang bangkay na nakabitin sa harap ng malaking bahay na iyon."

"Ano po ang nangyari sa pamilya niya?" Curious na tanong ni Cloud.

"Pinatay silang lahat d'yan sa malaking bahay dahil sa negosyo." Kwento ng matandang babae. "Siya lamang ang nakaligtas dahil nakapagtago siya sa kisame ng bahay nila. Sa kwarto niya lang kasi ang mayroong daan papuntang kisame."

"Ano po ang nangyari sa kanya? Nagpakamatay po ba siya?" Tanong ko.

"Simula nang mangyari iyon ay palagi na lamang siyang nasa loob ng kanilang bahay at hindi na lumabas pa. Hindi namin alam kung nag pakamatay talaga siya." Malungkot na sagot ng matandang babae. "Pero nu'ng araw na nakita namin siyang nakabigti sa may harap ng malaking bahay ay may sulat kaming nakita sa may lapag, sa may ilalim ng kanyang bangkay."

"Ano po ang nakalagay sa sulat?" curious na tanong ko.

Magsasalita na sana ang matandang babae nang...

"INAY! HUWAG N'YO PO SILANG TAKUTIN!" May sumigaw sa may likod namin. Paglingon namin... 'Yung tindera pala ng tindahan.

Lumapit siya sa matandang babae at inakay ito patayo.

"Pasensya na kayo sa kanya, ah?"Sabi sa amin ng tindera.

"Okay lang po." Magkapanabay na wika namin ni Cloud.

Lumakad na sila papasok ng bahay nila na katabi lamang ng kanilang tindahan.

"Ano ba naman kayo 'Nay! Binalaan na niya kayo 'di ba? Gusto n'yo bang matulad kay Tata Isaac?" Narinig kong saway ng ale sa matandang babae.

'May tinatago ba sila?' Tanong ko sa sarili ko. 'Anong meron sa sulat?'

"Uy Divine! Bili na tayo! Baka tinatakot lang tayo ng matandang iyon katulad nu'ng matandang lalaki na nambato sa atin." Untag ni Cloud sa akin, tumango naman ako at bumili na kami ng pagkain namin. Ngunit ang anak na ng tindera ang napagbilhan namin ni Cloud.

'Hindi kaya yung Tata Isaac na sinasabi ng ale ay yung nambato sa amin nu'ng unang punta namin dito?' tanong ko sa sarili ko.

Pagkatapos namin bumili ay bumalik na kami sa malaking bahay at ikinuwento sa kanila ang kinuwento sa amin ng matanda. At pati rin silang lahat ay na-curious sa sinasabing sulat ng matanda.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote and Comment is Much Appreciated.

Exemplum De Morte: Warning Of Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon