Twelve

146 7 0
                                    


Divine's POV

Napagpasyahan namin na sa loob na lamang ng van basahin ang sulat. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Nakaupo ako sa may gitna ng van. Si Timothy sa driver seat at sa tabi niya si Keisha. Nasa kaliwa ko naman si Spencer. Sa kanan ko nakapwesto sina Cloud at Marcus.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Handa na ba kayo?" Kinakabahang tanong ko.

Tumango sila bilang sagot. Nagpakawala ulit ako ng malalim na hininga bago buksan ang liham at binasa iyon:

Isa kaming masaya at masaganang pamilya noon. Walang iniisip na problema... Hanggang sa isang araw napagpasyahan ng aking mga magulang na lumipat ng tahanan. Nu'ng una naming nakita ang malaking bahay na ito ay nabighani na agad kami ng pamilya ko. Ngunit bago kami pumasok sa bahay na ito ay may isang lalaki ang sa amin ay pumukol ng mga bato at sinabing 'wag na namin ituloy ang pagpasok sa malaking bahay. Agad naman itong sinaway ng babaeng nagbebenta ng bahay sa amin. Nagimbal ako nang nakita kong walang ulo ang lalaki. At dahil ayaw nga kaming papasukin ng lalaki ay napagpasyahan ng aking mga magulang na sa susunod na araw na lamang namin titingnan ang loob ng malaking bahay. Agad namang sumang-ayon ang nagbebenta ng bahay ...

"Guys naalala n'yo 'yung matandang nambato sa atin nu'ng unang araw nating pinuntahan ang malaking bahay?" Sabi ko. "Nakita ko rin siyang walang ulo."

Lahat sila ay kumunot ang noo, nagtataka.

"Ituloy mo na Divine!" Sabi ni Cloud.

Ipinagpatuloy ko na ang pagbabasa.

...Paglipas ng dalawang araw ay sinorpresa kaming siyam na magkakapatid ng aming mga magulang. Bumalik ulit kami sa malaking bahay. Malaya din kaming nakapasok sa loob dahil ang sabi nila ay wala na daw ang lalaki. Patay na daw ito. Pagkapasok namin sa loob, sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang akong kinilabutan. Nilibot muna naming lahat ang unang palapag bago umakyat sa itaas. Napakaganda ang mga gamit sa unang palapag. Mga antigo at maganda ang pagkakaayos ng mga ito. Nang makita na namin ang lahat sa unang palapag, napagpasyahan naming umakyat sa itaas. Pagkaakyat namin sa ikalawang palapag ay sinabi sa amin ng aming mga magulang na pumili na kami ng aming magiging kwarto, 'wag lang daw ang pinakaunang kwarto dahil sa kanila daw iyon. Nagtakbuhan na ang aking mga kapatid sa mga kwarto. Ang pinakadulo na kwarto ang napunta sa akin. Sakto sa dami namin ang dami ng kwarto kaya wala na 'kong pagpipilian pa. Pumasok ako sa magiging kwarto ko at agad na namangha ako sa loob. May malawak na espasyo at pangbabae talaga ang tema. Ngunit napako ang aking paningin sa isang dulong parte ng kisame ng aking kwarto. Kung saan malapit sa aking magiging kama. Mayroong katamtamang laki na pakudrado na parang isang pinto. May mahaba ding tali na sa tingin ko ay abot ko kung sasampa akong patayo sa aking kama...

"Bakit parang magkatulad?" Wala sa loob na sambit ko.

"Paanong magkatulad?" Tanong ni Cloud.

"Hindi kaya may sumpa ang malaking bahay?" Kunot-noong sabi ni Spencer.

"Pero paanong parang nauulit ang mga nangyayari?" Tanong din ni Marcus.

"Umuulit nga ba? O nag kataon lang?" Balik-tanong ni Timothy.

"Guys ang mabuti pa ay ituloy na natin ang pakikinig. Para masagot na sa lalong madaling panahon ang mga katanungan natin. Tumatakbo ang ating oras. Kaya Divine, magpatuloy ka na." Naiiritang sabi ni Keisha.

"Relax babe!" Sabi ni Timothy dito pero tinarayan ito lalo ni Keisha.

Naiiling na huminga na lang ako ng malalim at inayos ang pagkakahawak sa napakahabang papel.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote and Comment is Much Appreciated.    

Exemplum De Morte: Warning Of Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon