Divine's POV
Nakatungo na naglalakad ako sa gilid ng kalsada nang...
"Divine..."
Marinig ko ulit ang nakakapangilabot na tinig na iyon na para bang nanggagaling sa kailaliman ng lupa. Nagtaas ako ng tingin.
"H-hindi!" Nanginginig na wika ko. Biglang umahon ang matinding takot at kaba sa aking dibdib nang bumungad sa aking harapan ang babaeng nanggagaya ng aking mukha.
Si Faith.
Agad akong luminga sa paligid at nagbabaka-sakaling hindi ko makita si Spencer. Na sana hindi mangyari ang iniisip ko. Ngunit...
Nabigo ako.
Nakita ko si Spencer na naglalakad sa 'di kalayuan. Nang magtama ang aming mga paningin ay binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti at kumaway sa akin.
Ngunit ang ikinalaki ng aking mata at nagpabilis lalo ng tibok ng aking puso nang makita ko siyang walang ulo ng mga ilang segundo nang may dumaang sasakyan sa harap namin.
"H-hindi! HINDI MAAARI!" Natatarantang sigaw ko kay Faith. "'Wag siya!"
Ngunit ngumiti lamang ito ng nakakapangilabot.
"DIVINE! TARA NA!!" Sigaw sa akin ni Spencer.
"SANDALI LANG! HINTAYIN MO 'KO D'YAN!" Ganting sigaw ko.
Ngunit nginitian niya lamang ako ng ubod ng tamis na parang pinahihiwatig niya na iyon na ang huling ngiting makikita ko sa napakaamo niyang mukha na kahit ilang beses kong titigan ay alam kong hinding-hindi ako magsasawang tingnan.
Kumakaway na tumawid siya habang nakatingin sa akin. Umiiling na tatakbo na sana ako nang biglang may humawak sa isang braso ko. Nang lingunin ko ito ay napatalim ako ng titig dito.
"BITAWAN MO 'KO, FAITH!" Galit na sigaw ko.
Lalo pa akong nagngitngit sa galit nang suklian ako nito ng isang nakakapangilabot na ngiti pagkatapos ay bigla na lamang naglaho na parang bula.
Huli na ang lahat...
Isang napakalakas na salpukan ng mga bakal at nakakabinging ingay ng mga gulong ang aking narinig sa 'di kalayuan. Umahon ulit ang matinding takot sa aking dibdib sa isiping pati siya ay wala na rin sa akin.
Nanginginig at dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng ingay na iyon at halos panawan ako ng ulirat at nanghihinang napaupo ako sa kalsada nang makita ko si Spencer na duguan sa gitna ng dalawang bus.
Hindi na ako halos makahinga sa sobrang sakit na aking nadarama. Sa loob lamang ng tatlong araw ay namatay lahat ng kaibigan ko.
Pati na ang lalaking pinakamamahal ko.
Kasalanan ko 'to eh.
Ang sakit isipin at nakakakonsensya na ako ang dahilan kung bakit sila namatay.
Napatigil ako sa pag-iyak at dahan-dahan akong tumingala nang may makita akong isang pares ng paa sa aking harapan.
"Ang mamamatay ay mamamatay at hindi mo iyon mapipigilan."
Ang mamamatay ay mamamatay at hindi mo iyon mapipigilan.
ANG MAMAMATAY AY MAMAMATAY! AT HINDI MO IYON MAPIPIGILAN!
Ilang beses pang nag-echo sa aking pandinig ang mga katagang iyon.
"Siguro nga ay kailangan ko na ring sumunod sa kanila." Wala sa sariling sabi ko.
Nanlalatang tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at pasuray-suray na naglakad palayo.
Babalik ako sa lugar kung saan nagsimula at dahilan ng paghihinagpis kong ito at ng mga pamilya ng mga kaibigan ko.
Lalong-lalo na ang dahilan kung bakit nawala sa buhay ko ngayon ang lalaking pinakamamahal ko.
Tatapusin ko na ang lahat-lahat.
Tutal ay mamamatay din naman ako 'di ba at ako ang nagsimula nito kaya tatapusin ko na.
Ito naman ang gusto ni Faith.
Ang mamatay kaming lahat.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Vote and Comment is Much Appreciated.
BINABASA MO ANG
Exemplum De Morte: Warning Of Death (COMPLETED)
УжасыBeing a teenager, ADVENTURE is all what we wanted and CURIOSITY in everything is eating us. Pero paano kung mapasobra ang ating pagiging mausisa sa lahat ng bagay? YOU CAN RUN BUT SHE WILL GO AFTER YOU. Enjoy reading.