Divine's POV
Nakaupo kaming apat sa isang bilog na lamesa kasama ang tatlong babae. 'Yung babaeng nagbigay sa amin ng sulat ay nakatingin sa kabaong ng kanyang ina. Ang matandang babae naman na sumampal sa amin ay pinagmamasdan kaming apat. Samantalang ang dalaga na sa hula ko ay kaedaran lamang namin, tahimik lang na nakayuko habang nakaupo sa tabi namin.
"Ahm... Maari n'yo po bang sabihin sa amin kung nasaan ang karugtong ng sulat?" Basag ni Spencer sa katahimikan.
"Wala na ang karugtong. Nasunog na." sagot ng dalaga na ikinagulat namin.
"Ano?!" Sabay na tanong namin ni Cloud.
"Tandang-tanda ko pa... Nu'ng kabataan ko ay may isang masayang pamilya ang lumipat d'yan sa malaking bahay noong bagong gawa pa lamang iyan." Sabi ng matanda na para bang ang sarili ang kinakausap. "Sila ang pinakasikat na pamilya dito sa lugar namin dahil sila ang pinakamayaman. Isang araw ay nakilala ko ang isang dalaga na sa tingin ko ay kaedaran ko. Nagdidilig siya nu'ng araw na iyon na napadaan ako sa bakuran nila. Binati niya ako na agad ko namang tinugunan. Simula nu'n ay lagi na kaming nag-uusap. Siya si Faith, naging matalik kaming magkaibigan at palagi niya akong pinapupunta sa kanila. Maganda sila makisama sa akin at nasubaybayan ko kung gaano sila kabait at matulungin sa tao. Masayang pamilya din sila dahil mahal nila ang isa't isa. Hanggang sa isang araw ay nakatanggap sila ng banta sa kanilang buhay. Nu'ng una ay binalewala nila iyon dahil baka niloloko lamang sila dahil hindi na naulit ang pagbabanta. Wala rin akong alam na may nakaaway sila. Ngunit isang araw ay umalis si Faith at mga magulang niya, pumunta ng bayan kasama ako. Naiwan ang kanyang apat na kapatid dahil may mga ginagawa silang proyekto para sa eskwela at pagbalik namin..."
Napahinto ang matandang babae sa pagku-kwento dahil paiyak na ito. Agad namang kumuha ang dalaga ng tubig sa baso at binigay sa matanda. Uminom muna ang matandang babae at huminga ng malalim para kumalma.
Nang kumalma na ito ay muli itong nagsalita. "Nadatnan namin ang apat niyang kapatid na wala nang buhay. Dinukot ag kanilang mga mata at parang taling pinagbuhol-buhol ang kanilang mga katawan at may nakita din kaming isa pang sulat ng pagbabanta. Ngunit hindi pa rin sila umalis ng malaking bahay. Nang mailibing ang apat niyang kapatid ay hindi ko na siya nakausap. Wala na silang pinapapasok na ibang tao sa kanilang bahay dahil nagalit sila sa mga taga-rito dahil hindi man lang daw tinulungan ang apat na bata nu'ng pinatay ang mga ito. Umaga kasi pinatay ang apat ngunit walang sinumang tumulong sa kanila dahil sa takot sa mga armadong mga lalaki. Hanggang sa isang araw ay nakita ko si Faith na pasuray-suray sa paglalakad at puno ng dumi ang kanyang mga damit at katawan at walang emosyon ang mukha pero lumuluha ang kanyang mga mata. Nu'ng araw na iyon ay napag-alaman namin na pinasok ang kanilang bahay at pinagpapapatay ang lahat ng nakatira doon katulad ng pagkapatay sa apat na kapatid ni Faith. Siya lamang ang natira dahil nakapagtago siya sa kisame ng kanyang kwarto."
Huminga ulit ng malalim ang matanda bago magpatuloy sa kanyang kinukwento.
"Pagkatapos ilibing ang kanyang pamilya ay nakita na lamang namin siyang nakabigti sa harap ng bahay nila." Naluluhang pagtatapos ng matandang babae sa kanyang kwento.
"Grabe po pala ang nangyari sa kanya." Mahinang sabi ni Cloud.
"Kaya pala ang laki ng galit niya sa mga taong mapangahas na pumapasok sa kanilang bahay dahil pinatay ang kanyang pamilya ng mga taong basta na lamang pumasok sa bahay nila." Sabi ko.
"Ano po pala ang nangyari kay Devonne at sa kapatid niyang bunso?" Tanong naman ni Spencer.
"Hindi po ba, binili nila ang malaking bahay? Bakit po sila pinatay?" Dugtong ni Marcus.
"Hindi... Hindi binili ni Daddy ang malaking bahay. Hindi lang pala kami mapangahas na pumasok sa kanilang bahay. Inangkin pa namin iyon." Tila wala sa sariling wika ng dalaga at nagsimulang umiyak.
Natuon ang buong atensyon namin sa kanya. Humagulgol ng iyak ang dalaga tapos ay bigla na lang nawalan ng malay.
"Miss!" Gulat na sambit naming apat. Buti na lang at agad siyang nasalo payakap ng matandang babae.
Tumayo sina Spencer at Marcus para mabuhat ang dalaga at ihiga sa isang mahabang upuan.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Vote and Comment is Much Appreciated.
BINABASA MO ANG
Exemplum De Morte: Warning Of Death (COMPLETED)
TerrorBeing a teenager, ADVENTURE is all what we wanted and CURIOSITY in everything is eating us. Pero paano kung mapasobra ang ating pagiging mausisa sa lahat ng bagay? YOU CAN RUN BUT SHE WILL GO AFTER YOU. Enjoy reading.