Fifteen

131 7 0
                                    


Divine's POV

Napahinto kaming lahat at natuon sa harap ng van ang aming atensyon. Ilang beses na kumalabog ang windshield ng van dahil kay Keisha. Lahat kami ay natulala, hindi makapagsalita at makagalaw.

Parang may tao sa likod ni Keisha na inuumpog ng malakas ang kanyang ulo sa windshield. Natigmak na ang salamin ng kanyang dugo at halos mabasag na rin iyon.

Napasigaw kaming lahat nang bigla para siyang hinila pataas sa van. Umiiyak na tinakpan ko ang aking mga tainga at mariing napapikit nang hindi lamang mga kalabog ang aking naririnig kung 'di pati na rin ang boses na nakakapangilabot at nakakatakot pakinggan.

"MAMAMATAY KA! MAMAMATAY KAYONG LAHAT!" Sigaw ng boses na parang sa mismong sa tainga ko isinisigaw.

"HINDI!! HINDI KAMI MAMAMATAY! TIGILAN MO NA KAMI! TIGILAN MO NA ANG MGA KAIBIGAN KO!" Hysterical na sigaw ko.

Nakakapangilabot naman na tawa ang narinig kong tila tugon ni Faith sa akin.

"Divine!" Narinig kong sabi ni Spencer kasabay ng pagkabig niya sa akin. Niyakap niya ako.

Napadilat ako at dahan-dahang ibinaba ang aking mga kamay nang biglang tumahimik ang paligid. Nagkatinginan kaming lima.

"N-na-nasaan na si Keisha?" Tila wala sa sarili na tanong ni Timothy sa amin.

"Guys, natatakot na 'ko!" Nanginginig ang boses na sabi ni Cloud.

"Hey! I'm here! Nandito lang ako sa tabi mo!" Alo naman ni Marcus dito.

"K-keisha?!" Tawag ko, parang baliw na umaasang sumagot siya.

Ngunit wala kaming marinig kung 'di ang malakas na kabog ng aming dibdib.

Hanggang sa...

BLAG!

May biglang nalaglag sa harapan mula sa bubong ng van

.

"KEISHAAA!!!" Sigaw naming lahat at dali-daling pinilit buksan ang mga pintuan ng van. Tila isang himala na nabuksan namin agad ang mga iyon.

Tumakbo kaming apat papunta kay Keisha. Wala kaming nagawa ni Cloud kung 'di ang mapatili na lang nang makita ng malapitan ang sinapit ng kaibigan namin.

Bigla akong kinabig ng yakap ni Spencer at hinagod ang likod ko. "Sshh! Tahan na..."

"Timothy." Bulong ni Marcus pero sapat na iyon para marinig ko. Napatigil ako sa pag-iyak at tumingin kay Marcus.

Magkayakap sila ni Cloud at nakatulala ito sa iisang direksyon. Nakita kong tumigil din sa pag-iyak si Cloud at tumingin kay Timothy. Kumunot ang noo ko nang makita ang magkahalong gulat at takot na biglang bumalatay sa mukha ni Cloud nang sundan niya ng tingin ang tinitingnan ni Marcus. Dala ng kuryusidad ay tinignan ko rin ang tinitingnan nila... at muli'y napasigaw ako nang makita ko si Timothy sa loob ng van namin sa driver seat.

Nangingisay habang nakatirik ang kanyang mga mata at may napakalaking hiwa sa kanyang leeg. Halatang napakalalim ng pagkakahiwa dahil sumisirit pa ang masaganang dugo ni Timothy.

"Guys! Kailangan na nating malaman kung ano ang kasunod ng liham na iyon. Kung namatay ba si Devonne at 'yung kapatid n'yang bunso." Nanlulumong wika ni Spencer.

"Ano ang nangyari dito?" Anang isang tinig sa likuran namin. Napalingon ako sa nagsalita--iyong tindera pala na nagbigay sa amin ng sulat kanina. Kasama ang mga ibang taong taga-dito.

"M-maari n'yo po ba kaming tulungan?" Nagmamakaawa ang tinig ni Cloud.

"Binigay ko na sa inyo ang sulat... Hindi ba nakatulong?" Tanong ng babae sa amin.

Umiling kami.

"Putol po ang liham na ibinigay n'yo." Sabi ni Marcus.

"Parang awa n'yo na ho! Tulungan n'yo na kami!" Sabi ko.

"Hindi na po talaga namin alam kung ano ang gagawin namin!" Dugtong ni Spencer.

"Sumunod kayo sa amin." Sabi ng babae.

"Tutulungan n'yo na po kami?" Nakasilip ng kaunting pag-asa na paniniguro ni Cloud.

Tumango sa amin ang babae at nauna nang maglakad. Nakatingin pa rin sa amin ang mga tao na may takot sa kanilang mga mukha. Mayamaya ay biglang lumapit sa amin ang isang matandang babae at pinagsasasampal kaming apat.

"Bakit n'yo ho kami sinampal!" Gulat na tanong ni Marcus.

"Pasensya na mga iho at iha. Nakita ko kasi kayong walang ulo." Sabi ng matandang babae.

"Sumunod na kayo sa amin dahil nakaabang na sa inyo ang inyong kamatayan dito. Nandito lang siya." Sabi naman ng isang dalaga.

Kinilabutan kami sa sinabi ng dalaga kaya magkakahawak ang mga kamay naming apat na sumunod dito.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote and Comment is Much Appreciated.   

Exemplum De Morte: Warning Of Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon