Six

167 6 0
                                    


Divine's POV

Nakahinga kami ng maluwag nang nakalayo na kami sa malaking bahay na iyon. 80kph ang patakbo ni Spencer, buti na lang at walang ibang dumadaan na sasakyan bukod sa amin at wala ring traffic enforcer para hulihin kami for overspeeding.

"G-guys..." Nanginginig ang boses na sabi ni Cloud. Napatingin kaming lahat sa kanya. Nakaupo kasi siya sa pinakalikod ng van kasama si Marcus. "N-nasaan s-sina L-Lenessia at S-Sky?"

Isang tingin lang at alam na namin na sampu lang kami sa van. Dapat nagsisiksikan na kami dahil sampu lang ang kasya sa van, labing dalawa na ang bilang namin dahil dumagdag si Timothy. Hindi kami nagsisiksikan at wala nga talaga sina Lenessia at Sky.

"Shit!" Mura ni Timothy nang rumehistro ang katotohanang iyon sa amin.

Mabilis namang inihinto ni Spencer ang sinasakyan naming van.

"Sa pagkakaalam ko, kaming dalawa ni Spencer ang huling lumabas ng mansion." Sabi ko.

"Hindi ko sila nakita kanina." Sabi naman ni Krystelle.

"Kami din!" Sang-ayon ni Syvil habang tumango ang iba.

"Kailangan natin silang balikan!" Sabi naman ni Spencer na ekspertong minaneobra ang sasakyan.

"Geez! Nasaan na kaya sila?" Takot at nag-aalalang tanong ni Keisha. Walang nagtangkang sumagot dahil alam naman naming lahat kung saan sila naroon.

Muli naming tinahak ang daan pabalik sa malaking bahay.

"Sana walang mangyaring masama sa kanila." Piping panalangin ko. Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Spencer sa kamay ko na nakapatong sa kandungan ko kaya napatingin ako sa kanya. Saglit niya akong tiningnan bago bawiin ang kamay niya at ituon muli ang pansin sa pagmamaneho pero sapat na iyon para malaman na pareho kami ng iniisip ng nobyo ko.

Mayamaya ay biglang bumagal ang takbo ng sasakyan namin at nawalan ng buhay ang makina.

"Shit! Bakit ngayon pa?" Inis na sigaw ni Spencer sabay hambalos ng dalawang kamay sa manibela. Napaigtad ako nang tumunog ang busina.

Hinaplos ko ang balikat ng nobyo ko para pakalmahin siya. Nakaintindi naman na hinawakan ni Spencer ang kamay ko sa balikat niya, marahan iyong pinisil sabay ngiti ng pilit. Sinubukan niya ulit paandarin ang makina pero ayaw talaga magstart.

Maalam si Spencer pagdating sa mga sasakyan at alam niya na kaagad ang problema sa simpleng pakikinig lang sa tunog na nililikha nito. Ekspertong mekaniko kasi ang tatay niya at halos sa shop na nila siya lumaki kaya bata pa lang nahubog na ang talento at hilig sa sasakyan. Sa katunayan ito ang dahilan kaya kinuha ni Spencer ang kursong Mechanical Engineering.

Sa ikatlong pag-ikot ng susi at pagdaing ng sasakyan, tumingin na si Spencer sa likod. "Guys..."

"Tara tulak!" Mabilis na sabi ni Jino sa iba pa, magkaklase sila at magkababata ni Spencer kaya alam na alam na nito ang mga galaw ng nobyo ko.

"Girls dito lang kayo!" Binuksan ni Drew ang pinto sa gilid nito at agad na bumaba.

Sumunod ang iba pang lalaki bukod kay Spencer, pumuwesto sila sa likod ng van at nagsimula nang magtulak, ngunit may kung anong pumipigil sa pag-andar ng sasakyan. Ilang minuto na ang nakalilipas ay hindi man lang nila mapagalaw mula sa pwesto nito ang sasakyan kahit wala na itong laman kundi si Spencer na lang.

"Guys, takbuhin na natin ang malaking bahay!" Suhestyon ko sa kanila. May pakiramdam akong may nangyayaring hindi maganda.

"Mabuti pa nga." Pagsang-ayon ni Marcus. Huminto sila sa pagtutulak.

Exemplum De Morte: Warning Of Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon