Divine's POV
Kakasikat pa lamang ng araw ng dumating kami sa malaking bahay. Lahat kami ay hinihingal sa pagod.
Pagkapasok namin ay nakita agad namin si Sky na nakaupo sa ilalim ng puno.
Paglapit namin... Napayakap agad ako kay Spencer. Napatili naman ang apat na babaeng kaibigan ko.
"Anong nangyari sa kanya?" Umiiyak na tanong ni Keisha.
Nakita namin si Sky na wala ng buhay at nakabukas ang tirik na mga mata. Naliligo siya sa sariling dugo.
"Nasaan si Lenessia!?" Nagpapanic na tanong ko.
Napalingon kami nang may marinig kaming bumagsak na mabigat na bagay sa likuran namin. Lahat kami ay napasigaw at napahagulgol ng iyak nang makita namin ang nalaglag.
Ang nalaglag ay ang walang buhay na katawan ni Lenessia. Nakabukas ang kanyang mga talukap ngunit wala na siyang eyeballs, nakanganga ang kanyang bibig at tabingi ang panga. Ang kanyang katawan ay parang taling pinagbuhol-buhol.
Sa aming lahat, si Timothy lang ang mabilis na nakabawi sa pagkabigla, agad itong tumawag ng pulis.
---------
Sa pinakamalapit na ospital dinala ang bangkay ng dalawa para ma-autopsy, iyon din kasi ang hiling ng mga kamag-anak ni Lenessia at Sky--wala silang tiwala sa mga pulis.
Nakaupo na kaming lahat sa labas ng morgue kahit bawal ang tumambay doon. Isa-isa kaming kinausap ng mga pulis kanina para malaman kung ano ang talagang nangyari. Halata sa kanila na hindi sila naniniwala sa mga sinabi namin, nagtatawanan pa minsan ang mga pulis at may nagkomento pa na baka lasing o naka-droga kami kaya nagawa namin iyon sa mga kaibigan namin. Sa permiso na rin ng mga legal guardian namin, lahat kami ay nagpa-alcohol at drug test para patunayan na nagsasabi kami ng totoo.
Sina Marcus at Timothy na ang kausap ng mga pulis sa kasalukuyan.
"Babe, are you okay?" Tanong ni Spencer at tumango lang ako sa kanya.
"Natatakot na 'ko! Hindi natin natapos ang larong sinimulan natin!" Umiiyak na sabi ni Keisha.
"Oo, naumpisahan natin. Pero wala pa tayong natatawag." Sabi naman ni Cloud na halatang nagpipigil lang ng emosyon.
"Pero may babaeng nagpakita agad sa atin!" Sabi ko naman.
"Dalawang kaluluwa dahil pati 'yung matandang lalaki ay nagpakita sa atin." Dagdag ni Syvil.
"Ang sabi ni Timothy, wala pa tayong natatawag kaya hindi niya na binasahan ng pagtatapos ang laro natin." Sabi naman ni Drew.
"Pero sure ba talaga tayo na wala?" Paniniguro ni Krystelle.
Natahimik kami nang makita naming tumatakbo sina Timothy at Marcus palapit sa amin. Nasa mukha nila ang pagkabigla.
"Guys, panoorin n'yo 'yung nakuhanan ng CCTV sa malaking bahay!" Sigaw ni Timothy sa amin.
"Hindi kayo maniniwala sa mapapanood n'yo!" Segunda ni Marcus.
Tumayo kaming lahat at sinalubong silang dalawa.
"Ano ang napanood n'yo?" Curious na tanong ni Jino nang magkalapit na kaming lahat.
"Nakuhanan sa CCTV kung paano namatay sila Sky at Lenessia. Nakuhanan pati 'yung babae." Sagot ni Marcus.
"Talaga!?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Drew.
"Oo, kaya tara na!" Yakag ni Timothy sa amin.
Nauna nang naglakad sina Timothy at Keisha pabalik sa kung saan man nanggaling ang dalawang lalaki. Mabilis na sumunod sina Cloud at Marcus. Pahakbang na rin sana kami ni Spencer nang...
"Guys una na kayo... Naiihi na ko, eh."
Magsalita si Syvil. Lumingon kami at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong wala siyang ulo.
Ilang beses akong kumurap-kurap pero malabo talaga sa paningin ko ang mukha niya.
"Samahan na kita!" Presinta ni Jino.
"Sige..." Pagpayag ni Syvil.
Lalo akong nagimbal nang paglapit ni Jino kay Syvil ay nakita ko ang babaeng nakaputi--si Faith!
"Sige, bilisan n'yo, ah!" Sabi ni Krystelle. Lumakad na din ito pasunod kila Timothy, kasunod si Drew.
"Hoy Jino! 'Wag kang hokage, ah!" Pahabol ni Drew sa kaibigan.
"Siraulo!" Sagot naman ng sinabihan.
"Sige, una na kami." Sabi ni Spencer na hinawakan ang kamay ko at hinila na ako pasunod kila Drew.
Sa kabilang direksyon naman tumungo sina Syvil at Jino, papasok pa sa dulo ng basement dahil naroon ang restroom ng Staff ng ospital.
Nakasunod din sa kanila ang babae.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa dalawa. Kinakabahan ako... lalo na sa kaluluwang iyon.
Tumibok ng mabilis ang puso ko nang lumingon sa akin ang babaeng nakaputi. Nakakakilabot na ngumiti ito sa akin kaya napaharap ako bigla sa dinadaanan namin at humigpit ang kapit ko sa braso ni Spencer.
"Okay ka lang, babe?" Tanong ni Spencer.
"Y-yeah..." Sagot ko.
"Ang lamig ng kamay mo." Sabi ni Spencer. "Namumutla ka pa."
"O-okay lang ako babe." Giit ko naman. "P-puyat lang."
"'You sure?"
"Y-yeah." Pinilit kong ngumiti para mapanatag na ang nobyo ko. Nang makarinig ako ng malakas na alingawngaw nag-aalalang nilingon ko ulit sila Syvil at Jino, nasa labas lang ng restroom ang huli at patingin-tingin sa paligid, hindi alintana ang tunog. Malamang ay nasa loob na si Syvil at pinagdabugan na naman ang kasama. Mukhang normal naman ang lahat.
Sana walang mangyaring masama sa kanilang dalawa.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Vote and Comment is Much Appreciated.
BINABASA MO ANG
Exemplum De Morte: Warning Of Death (COMPLETED)
TerrorBeing a teenager, ADVENTURE is all what we wanted and CURIOSITY in everything is eating us. Pero paano kung mapasobra ang ating pagiging mausisa sa lahat ng bagay? YOU CAN RUN BUT SHE WILL GO AFTER YOU. Enjoy reading.